‘Seaman lumutang’
“MAS tumirik nga ang mata mo ng gawin natin yun…tapos ayaw mo?†pagsasalarawan ni “Ana†nung minsang dalhin siya ni ‘Onald’ sa Luneta…at mauwi daw sila sa ‘motel’.
Maaalalang isinulat namin sa aming pitak ang kinahinatnan ng pagsasama nila Ronaldo Miranda o “Onaldâ€, 41 anyos ang biyudang si Annabelle “Ana†Jagunap, 39 taong gulang… pareho dating sekyu. Pinamagatan namin itong “Seaman sumisid sa biyudaâ€. Matapos daanin ng dating Security-In-Charge (seaman na ngayon) na si Onald sa pagbigay ng balut at mangga si Ana napasagot niya ito… nabuntis at matapos daw ay inabandona na.
Ika-21 ng Agosto 2013, itinampok namin si Ana sa aming programa sa radyo…Ang CALVENTO FILES, “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ 882KHZ.
PARA SA ISANG PATAS NA PAMAMAHAYAG…kinapanayam namin itong si Onald para kunin ang kanyang panig. Pinabulaanan niya ang umano’y pagtalikod niya sa mag-ina.
“Nagsusustento po ako…bago po ako sumampa pupunta ako sa opisina niyo para kausapin ang mag-ina ko,†ani Onald ng amin siyang kausapin sa telepono.
Agosto 30, 2013 nagharap si Ana at Onald sa aming tanggapan. Kinapanayam namin silang muli sa aming programa. Pagpasok pa lang ni Onald lumapit agad sa kanya ang kanilang anak. Itatago namin sa pangalang “Roseâ€, 10 taong gulang na ngayon. Naging mainit naman ang palitan ng salita ng dating magkarelasyon. Giit ni Onald, apat na buwan pa lang si Rose nasa puder na ito ng kanyang mga magulang. “Mahal na mahal yan ng lolo niya,†ani Onald.
Nang mamatay ang ama ni Onald na si “Enrico†kinuha na lang daw ni Ana ang kanilang anak kung kelan limang taong gulang na ito.
Paliwanag naman ni Ana, lola mismo ng bata ang nagsabi hanapan ito ng katulong kaya nagÂdesisyon na siyang kunin si Rose at dalhin sa probinsya.
Mula nun ‘di na daw nakita ni Onald ang anak. Ipinagkait na ito sa kanya.
“Seaman ako ilang araw lang ang baba ko sa barko tapos ni boses ng anak ko ipinagÂdamot na niya,†pahayag ni Onald.
Mabilis naman ang naging sagot ni Ana at dinahilan na nasira ang ‘cell phone’ na ibinigay niya nun sa bata.
Napag-usapan na daw nila dati ang tungkol sa kanilang anak. Nagka-barangayan na sila at nagkasundo na magpapadala ng sustento itong si Onald. Nag-iwan siya ng ATM Card para sa mag-iina, 100 dollars daw ang laman kada buwan.
“Winala niya ang ATM… tapos dinala na niya ang anak ko doon sa bundok,†kwento ni Onald.
Hinanakit ni Onald, kapag nakababa siya sa barko dun lang daw sa kanya pinapakita ang bata. Sa pag-uusap ng dalawa, diretso namin tinanong kay Ana kung posible pa ba silang magbalikan ni Onald.
“Hindi na po niya ko maloÂloko… dati pinatawad ko na siya. Nag-date pa kami,†pagbaÂbalik tanaw ni Ana. Kwento ni Ana, nakipag-ayos nun si Onald. Nagpunta sila ng Luneta…
“Pag-usapan daw namin ang tungkol sa bata pero naÂuwi kami sa motel pagsapit ng gabi…†dagdag ni Ana.
‘One night stand’ daw kung ituring ni Ana ang gabing ito.
Umalma itong si Onald at sinabing. “Noon po yun pero ’di na mauulit yun ngayon…â€
Diretsong sabi naman ni Ana, “Kahit sukang-suka ako sa’yo sinasabi ko sa anak mo mahal pa rin kita!â€
Kinagalit kasi ni Ana ang text daw ni Onald sa anak na sinasaÂbing magsama na silang mag-ina dahil si Ana ang kanyang pinili. Mag-aasawa na daw siya. NaÂsaktan daw ang anak nila sa mga text ng ama. Kinailangan pa daw niyang magkunwari sa batang mahal niya pa niya si Onald.
“Wala akong pakialam kahit mag-asawa ka pa pero ’di mo na kailangang sabihin pa ’yan sa anak mo Onald. Naaapektuhan lang ang bata,†matigas na sabi ni Ana sa radyo.
Sa halip na maayos ang usapan, nagpalitan lang ng masasakit na salita ang dalawa kaya’t diretso naming tinanong kung anong plano ni Onald sa anak?
Handa naman daw suportahan ni Onald ang bata. Limang libo kada buwan daw ang ibibigay niya pagsampa niya sa barko. Ang problema naka-‘pending’ pa ang aplikasyon niya sa ngayon kaya’t halagang Php1,000 lang muna ang maiaabot niya. Tinanong agad ni Ana ang gastusin ng anak sa eskwela. Ayon naman kay Onald, basta’t sabihin lang sa kanya… didiskarte siya.
Gustong makatiyak ni Ana sa pagkakataong ito. Hiningi niya agad kay Onald ang numero ng ahensya ng Inter-Orient Maritime Enterprises Inc. “Tigilan mo na ang kate-text sa’kin… at kung saan maligaya ang anak mo, hayaan mo,†huling panaÂnalita ni Onald. Hiniling ni Onald na huwag namang ipagkait ni Ana ang kanilang anak. “Marinig ko lang ang anak ko… kahit boses lang,†pakiusap ni Onald.
Itinampok namin sila Onald at Ana sa CALVENTO FILES sa radyo. “Hustisya Para Sa Lahat†DWIZ882KHZ (Lunes-BiÂyernes 3:00-4:00PM at Sabado 11:00-12:00NN).
SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, walang sino man ang maaring magtanggal ng karapatan sa batang si Rose na makita ang kanyang amang si Onald. Ang pagiging magulang ay parehong responsibilidad ng isang ina at ama (shared responsibiÂlity). Sa murang edad ni Rose, hindi nakakatulong sa kanyang paglaki ang makitang nag-aaway ang kanyang mga magulang mula’t sapul ng siya’y ipinanganak.
Kailangang magkaunawaan sila ni Onald pagdating sa kani-kanilang obligasyon. Kung hindi na kaya pang magsama silang muli bilang isang pamilya, gampanan nila pareho ang pagiging isang mabuting magulang kay Rose.
(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig. Mag-text sa 09213263166 (Dhalia)Â, 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique). O tumawag sa 6387285 / 7104038.
- Latest