^

Punto Mo

Lampong (415)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAKAM na takam si  Franc nang malantad ang dibdib ni Jinky. Maputi at makinis na dibdib. Hindi na nakapagpigil, puwersahan niyang inalis ang bra at kumawala ang dalawang “hinog na papaya”.

Ang dalawang papaya ang sinimulang lantakan ni Franc. Mistula nang asong ulol at gutom si Franc. Hindi na ito ang guwapo at machong lalaki na nakita niya habang naliligo sa sapa. Ang nakikita niya ngayon ay isang demonyo na handang lurayin ang kaawaawang biktima na walang iba kundi siya. At kung maibabalik lamang ang lahat, hindi na sana niya ipinagpatuloy ang panonood dito habang hubad na naliligo. Isang malaking pagkakamali ang nagawa niya sapagkat ngayon ay nakatakda siyang lurayin nito.

“Huwag, Franc!’’

Nagtawa si Franc. Mistulang demonyo na nga. Mapupula ang mga mata. Tila nagliliyab.

‘‘Maawa ka, Franc!’’’

Lalong lumakas ang halak­hak. Nagpatuloy ito sa pag­lapit. Isiniksik ni Jinky ang katawan sa korner ng sopa. Sisilain na siya. Parang galit na galit sa kanya. Maraming tanong si Jinky. Bakit kailangan siyang babuyin ng ganito? Bakit galit na galit sa kanya si Franc?

‘‘Alam mo ba kung ano ang gagawin ko sa’yo pagkatapos kitang paligayahin? Papatayin kita! Isang masakit na kamatayan ang mararanasan mo, ha-ha-ha!”

“Bakit Franc? Anong kasalanan ko sa’yo at kailangan mo akong patayin?’’

“Hindi mo nga alam dahil malinis ang pagkakaplano ko nito.’’

Naguluhan si Jinky. Hindi niya maunawaan ang sinasabi ni Franc.

‘‘Hindi lang ikaw ang may kasalanan kundi pati ang hinayupak na asawa mo!’’

“Pati asawa ko? Bakit pati asawa ko.’’

“Siya ang pumatay sa daddy ko!’’

“Daddy? Sinong daddy?’’

“Si Pac!’’

Inalala ni Jinky kung sino si Pac. Hanggang sa maalala niya. Si Pac ang may-ari ng kuhulan na nakaaway niya noon. Ito rin ang may-ari ng shabu lab sa kanilang lugar.

(Itutuloy)

ALAM

ANONG

BAKIT

BAKIT FRANC

FRANC

ISANG

JINKY

NIYA

SI PAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with