^

Punto Mo

Tropa ni Yasay, nabasbasan ni Calixto sa pasugalan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

Pabati lang. Happy fiesta sa Alimodian, Iloilo!

• • • • • •

TUMIKLOP ang pasugalan ni Brian Yasay sa siyudad ni Mayor Tony Calixto nitong nakaraang linggo. Subalit mga kosa, hindi nagsara ang pasugalan ni Yasay dahil sa panghuhuli ng mga kapulisan kundi dahil pinagtatamaan siya ng mga mananaya niya. Sa pagtiklop ng pasugalan ni Yasay, maraming mananaya ang naiwang tulala dahil hindi sila nabayaran ng halos daang libong napanalunan nila. Ang ibig sabihin nito mga kosa, takbuhin pala si Yasay at mga kasosyong sina Patrick, Borbie at iba pa. ‘Ika nga, gusto lang nila ang madaliang pitsa subalit kapag nagigipit na eh tatakbo rin pala sila. At sino pa ang tataya sa sugal nilang lotteng, ending, EZ2, bookies ng karera, ball-alai at iba pa kung ayaw nilang magbayad sa mga tumama? At upang maka-eskapo sila sa bayarin, minabuti ng tropa ni Yasay na bumitaw na lang at ang mga botante ni Calixto ang naiwang tulala. Mismo!

Para sa kaalaman n’yo mga kosa, ang tropa ni Yasay ang nabasbasan ni Calixto na magpatakbo ng pasugalan sa kanyang kaharian. Kaya ang ibang gambling lords sa siyudad ay initsa-puera ni Mark, ang anak ni Calixto, na nagpapatakbo ng ilegal sa Pasay City. Ayon sa mga kosa ko, kaya pala si Yasay ang binasbasan ng mag-amang Calixto ay dahil hindi na magampanan ng mga gambling lords ang “quota” ng lingguhang intelihensiya na hinihingi sa kanila ni Mark at ng isang pulis na si Miranda, chief security ni Mayor. Dahil sa no take policy ng CIDG, NCRPO at SPD, humina ang kubransa ng mga kabo dahil takot ang mga mananaya na baka mahuli sila. At siyempre, ang nais ng mga gambling lords ay bawasan ang lingguhang take ng mga Calixto at hindi naman pumayag ang mga bida natin, hehehe! Pera-pera lang talaga ang mga pulitiko natin.

Sa pagtiklop ng mga pasugalan ni Yasay, ang natirang sugal sa Pasay sa ngayon ay ang mga video karera ng isang Boy Salazar, anang mga kosa ko. Si Salazar ay suportado rin ni Borbie, na bagyo sa mag-amang Calixto, anang mga kosa ko sa Pasay. Kaya walang magawa si Pasay police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca dahil sanggang-dikit din siya kay Borbie, ayon pa sa kanila. Parang pamilyar sa akin si Borbie ah?

Aantabayan ko mga kosa kung sino ang papalit sa tropa ni Yasay, na hindi naman iniintindi ang galit ng mga mananaya na niloko nila. Pero sa tingin ng mga kosa ko, dapat puwersahin ng mag-amang Calixto ang tropa ni Yasay na bayaran ang mga tumama sa pasugal nila dahil sila rin naman mismo ang nagbigay sa mga ito ng prankisa para patakbuhin ang illegal sa siyudad niya. Ang ibig kong sabihin, dapat kontrolado at alam ni Calixto ang kapasidad ng tropa ni Yasay na magbayad kapag tinamaan sila, di ba mga kosa? Sa pagtakbo kasi ng tropa ni Yasay sa obligasyon nila, ang imaheng nasisira ay ang kay Calixto dahil nagmukhang siya ang nagbigay ng green light sa grupo ng una para lokohin lang ang mga botante niya? Kapag nananalo masaya ang tropa ni Yasay subalit kapag tinamaan, takbuhin pala sila? E maliwanag pa sa sikat ng araw mga kosa na sa siyudad lang ni Calixto nangyayari ang ganitong sistema. Abangan!

 

BORBIE

BOY SALAZAR

BRIAN YASAY

CALIXTO

DAHIL

KOSA

PASAY

YASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with