^

Punto Mo

“Mahal mo ba ang Pilipinas?” By: Rev. Lucky Acuña

- Tony Calvento - Pang-masa

SA gitna ng mga nangyayari at mga naglalabasang kurapsyon­ sa panahong ito minarapat naming hilingin sa isa sa mga kasamahan namin sa programang “PARI KO” ng DWIZ882KHz tuwing Linggo 9:30-10:30 ng gabi na si Rev. Raymund “Lucky” Acuña ang kanyang pananaw at mensahe.

Sama-sama nating basahin, intindihin at isaloob ang kanyang mga ibinabahagi sa ating sambayanang Pilipino. (Tony Calvento)

Wala talaga tayong kadala-dala, muling nauulit ang mga pangyayaring itinuturing na nating kasaysayan.

Hindi pa talaga tayo natuto o natauhan man lang sa mga nangyari noon. Hindi ba at dinaanan na natin ang landas na ito noon pa man? Kung sasariwain lang natin ang nakalipas, ma­raming tao noon ang nanindigang hindi na muling pagdadaanan ang ganitong pangyayari. Subalit sila ay bigo dahil muling bumabalik ang bangungot ng kahapon.

Kaya naman, sa pagkakataong ito, muli tayong ginigising ng ating konsensya?

Pinatutunayan lamang nito na hindi pa tayo natuto. Minsan ko nang natanong sa aking sarili, mulat ba talaga ako sa mga nangyayari sa ating lipunan at talaga bang alam ko ang mga pangyayari sa ating kasaysayan?

Batid kong mahirap paniwalaan na minsan ay nangyari na ito sa atin. Dahil dito, pinababatid sa atin ngayon na bigyang-pansin natin ang halaga ng ating kasaysayan sa sabay-sabay nating pagtahak sa kaunlaran.

Marami ng taong namuhunan ng dugo at pawis at maging nagbuwis ng buhay noon pa man alang-alang sa pagtutuwid ng ating bayan. Hindi lamang ito slogan o motto kundi isang pagtatangkang may layuning baguhin ang ating lipunan, ang kalakaran ng pamumuhay ng tao, sa ikabubuti ng lahat at hindi sa ikapakikinabang ng iilan lamang.

Sa ating pinagdadaanang krisis panlipunan sa bansa ngayon ay dulot ng lumalalang kurapsyon.

Maihahawig natin ang kurapsyon sa sakit na kanser dahil tulad ng sakit na ito, isang posibilidad na kabahagi na ito ng sistema ng ating lipunan, nandiyan na talaga ito sa simula’t simula pa pero pwedeng hindi ito lumabas kung talagang malakas lamang ang ating resistensya, ang ating pagpapahalaga o values; at kung lumabas man ito, maa­aring maagapan at pwede rin namang bumalik kung tayo ay magpapabaya.

Ang masaklap tulad ng kanser kumakalat sa buong katawan ng lipunan ang kamandag ng kurapsyon. Kung dati-rati ay tumi­tingala tayo upang ituro ang ating mga pinuno tungkol sa isyung ito, ngayon naman kahit saan tayo tumingin, tumingala man tayo o tumingin sa ibaba, lumingon man tayo sa kaliwa o kanan, harap at likuran, lantaran na ang kurapsyon sa ating lipunan.

Hindi na nga natin malaman kung may pagkakaiba pa ba ang pagturing natin sa ating pagpapahalaga o values sa mga pag-uugali natin bunga ng kurapsyon.

Hindi na katakataka ang isyung ito dahil maging tayo ay bahagi na ng suliranin. May responsibilidad tayo sa mga nangyayari ngayon. Kabahagi tayo ng lumalalang problemang ito ng lipunan.

Sa paano paraan? Kung tu­manggap tayo ng suhol o nagpabayad tayo sa ating boto tuwing eleksyon, kasali tayo sa problema. Kung hindi tayo nagdedeklara ng tamang buwis at nagbabayad nito, isa tayo sa problema. Kung tayo ay nagtatapon ng basura kung saan-saan at nagpapanatili ng polusyon sa kapaligiran, tayo ang problema. Ito ay ilan lamang sa kurapsyong ginagawa natin.

Dahil bandang huli, hindi lamang ito usaping pera-pera, kundi ang ugat nito ay may kinalaman na sa ating pagkatao at pag-uugali.

Subalit sa pagkakataong ito, wala ng sisihan. Tayo man ang problema, tayo rin naman ang hinihintay na solusyon nito. Kung tayo lamang ay magpapanibago ng ating buhay ngayon. Kung tayo lamang ay magsisimulang muli sa pagtahak ng landas para sa katotohanan, pag-ibig, pagkakaisa at kapayapaan.

Ito ay magsisimula hindi sa itaas o ibabang antas ng lipunan, kundi sa atin mismo, bawat indibidwal ay kabahagi ng pangka­lahatang solusyon sa problema. Madadaig natin ang kurapsyon kung tayo mismo ang magsisimulang kumilos mula sa ating araw-araw na gawain ng may pag-ibig na umaayon sa katotohanan, kapayapaan, pagkakaisa at umuuwi sa pagkakaroon ng takot sa Diyos.

Harinawa ay muli nating maibalik ang dating Pilipinas, na minsan ay naging malaya sa kurapsyon. At sa bandang huli, buong pagmamalaki nating masabi, mahal ko ang Pilipinas, at hinding-hindi ko na siya muling bibiguin.

ATING

DAHIL

KUNG

KURAPSYON

NATIN

TAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with