^

Punto Mo

Komedya …sa buhay ng US Presidents

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Andrew Jackson—Siya ang first American President na nakaligtas sa attempted assassination sa kanyang buhay. Bi­naril ang Presidente ngunit hindi pumutok ang baril ng assassin. Sinamantala ito ng presidente, tumakbo siya patungo sa assassin at pinukpok niya ang ulo nito gamit ang tungkod.

Mayroon siyang alagang parrot na madaldal na ang pangalan ay Poll. Noong pumanaw ang presidente, kailangang ilayo ang parrot sa burol dahil walang tigil ito sa pagmumura.

James Buchanan—Siya ang 15th President at nag-iisang “bachelor president”. Noong 1860 ay bumisita sa White House ang Prince of Wales mula sa England. Maraming kasama ang Prince kaya naubos ang bedroom. Napilitang matulog sa hallway ang presidente.

James Garfield—20th President. Kaya niyang pagsabayin sa pagsusulat ang kanan at kaliwang kamay. At bonus: isa ay nagsusulat ng Latin, isa ay nagsusulat ng Greek.

William Howard Taft—27th President at siya ang pinakamatabang presidente. Sa sobrang taba, at maliit naman ang bath tub, kailangan pang tumawag ng ilang malalakas na lalaki  para siya tulungang makatayo sa bath tub.

Woodrow Wilson—28th President. Hinahayaan niyang kumain ng damo ang mga tupa sa lawn ng White House upang makatipid sa ibabayad sa hardinero. Ipinagbebenta ang wool ng tupa. Ang napagbentahan ang ibinibigay sa Red Cross noong World War I.

AMERICAN PRESIDENT

JAMES BUCHANAN

JAMES GARFIELD

NOONG

PRINCE OF WALES

RED CROSS

SIYA

WHITE HOUSE

WILLIAM HOWARD TAFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with