^

Punto Mo

Train, nadiskaril sa Australia dahil sa millipedes

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG train ang nadiskaril sa hilagang lugar ng Perth, Australia kamakailan. Pasalamat ng mga pasahero na walang malubhang nasaktan sa kanila at nagtamo lamang ng mga gasgas. Ayon sa mga operator ng train, dumulas ang train sa riles dahilan para ito malaglag.

Masusing inimbestigahan ng mga awtoridad ang pag-slip ng train sa riles. Nagtataka sila sapagkat wala namang maaaring maging dahilan para dumulas ang train sa riles. Wala pa ring pangyayari na nagkaroon ng train crash sa lugar.

Hanggang sa matuklasan ang dahilan nang pag-slip. Napakaraming millipedes ang nasa riles. Halos mapuno ng millipedes ang mismong track.

Nagulungan ng train ang ma­­raming millipedes, nadurog ang mga iyon dahilan para dumulas ang riles. Mayroon umanong hydrogen cyanide ang millipedes na nakapagpapadulas sa riles. Kapag tumalsik sa mata at balat ang cyanide mula sa millipedes, maaaring makabulag.

Ang millipedes ay inintroduced sa Australia noong 1953. Ngayon ay hindi na makontrol ang pagdami ng mga ito at nagiging banta na sa kaligtasan ng mamamayan.

AYON

HANGGANG

KAPAG

MASUSING

MAYROON

MILLIPEDES

NAGTATAKA

TRAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with