^

Punto Mo

Lampong (405)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HABANG papalayo si Jinky ay inihatid ng tanaw nina Tina at Mulong. Nalulungkot sila sapagkat alam nilang may hindi magandang namamagitan sa mag-asawa.

“Mukhang malalim ang pagkakagalit ni Mam Jinky at Sir Dick ano, Tina?”

“Oo. Sana naman ay matapos na kung anuman ang hindi nila pinagkaunawaan.’’

“Wala namang nababanggit si Sir Dick sa akin.”

“Kailan ba kayo huling nagkausap ni Sir Dick?”

“Noong binuksan ang INASALITIK sa Recto. Sabi niya kapag nabuksan ang isa pang branch sa may Men­diola, baka umuwi na siya. Baka raw kasi magkulang na ang suplay ng dumalaga. Sabi ko naman, huwag siyang mag-alala sapagkat kahi­t ilang branch ang buksan niya, hindi mauubusan ng suplay. Sabi ko pa, may mga napisa nang bagong sisiw at ilang buwan lang puwede na uli ang mga iyon…”

“Ah kaya siguro kampante siya sa Maynila dahil malaki ang tiwala sa iyo.’’

“Hindi lang sa akin, Tina kundi pati sa’yo. Sabi nga niya, kung hindi raw dahil sa’yo baka mahina pa rin itikan at iba pang negosyo dito. Pero dahil mahusay kang Finance Manager, patuloy ang pag-unlad ng itikan. Mahusay ka raw maghawak ng pera.”

“E ano sa palagay mo, nagkakausap kaya sila ni Mam Jinky?”

“Wala siyang binabanggit sa akin ukol kay Mam Jinky. Hindi naman ako makapagtanong ukol sa nangyayari sa kanila. Siyempre Bossing yun.”

“Ano sa palagay mo at nagkaroon nang hindi pagkakaunawaan ang dalawa?”

“Wala akong maisip na dahilan, Tina.”

“Hindi kaya dahil sa babae, Mulong?”

“Hindi ko masabi. Wala naman akong nakikitang babae na kinalolokohan ni Sir Dick.”

“Siyempre ipakikita ba yun?’’

“Pero palagay ko hindi babae ang dahilan.”

“Ano kaya?”

“Baka itong itikan. Baka gusto na nilang hatiin at magkanya-kanya.”

“Pero di ba hindi naman kasali sa pagpundar nito si Sir Dick?”

“Oo nga ano?”

“Sana naman hindi magkahiwalay ang dalawa. Kasi kapag nagkahiwalay, apek­tado tayong lahat. Masisira ang magandang negosyo. Malakas pa naman at talagang kumikita nang ayos.”

“Ipagdasal na lang natin.”

 

KINABUKASAN, isang tawag ang natanggap ni Mulong sa kanyang cell phone.

Si Dick ang tumatawag.

“Mulong, may mga tao na bang nagtungo riyan. Mukhang Intsik. Ang pangalan ay Mr. Chan?”

Nagtaka si Mulong.

(Itutuloy)

ANO

MAM JINKY

MULONG

PERO

SABI

SIR DICK

TINA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with