^

Punto Mo

‘EDSA Tayo’ at Zambo standoff

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Magiging abala na naman ang mga tauhan ng pulisya sa Metro Manila partikular ang Quezon City at Mandaluyong police dahil sa gaganapin  ngayong prayer rally na tinawag na ‘Edsa Tayo’,  isang pagkilos kaugnay sa nabunyag na anomalya sa pork barrel fund.

Aabot sa 500 mga pulis ang ikakalat sa paligid ng Edsa Shrine bukod sa 500 pang tropa na naka-standby.

Bagamat positibo ang pananaw ng pulisya na magiging matahimik ang gagawing aktibidades na kagaya noong unang isagawa ang ganitong pagkilos sa Luneta na tinawag na million march, hindi rin naman isinasantabi na baka may ilang manamantala.

Kaya nga ang tututukan dito ng mga awtoridad ay ang kaligtasan ng mga sasama sa prayer vigil at maging ang daloy ng trapiko para hindi naman maperwisyo ang mga mamamayan na magsisipasok sa kanilang mga trabaho at maging ang mga eskuwela.

Marami pa namang  kaganapan sa kasalukuyan na kasabay nito na baka samantalahin ng mga masasamang elemento.

Sumabay pa nga ang kaguluhang nagaganap sa Zamboanga kung saan nga ilang barangay ang sinasabing pinasok ng isang faction ng MNLF.

Mahigit pa sa isang daan katao ang sinasabing hostage ng mga rebelde.

Maging dito’y kailangan ding matutukang mabuti ng PNP  at maging ang militar sa ganitong mga kaganapan.

Patuloy pa rin ang pag-init ng isyu tungkol sa anomalya sa pork  barrel.

Talagang maraming mga mamamayan ang hindi ito matanggap lalu pa nga’t parami nang parami ang mga lumalabas na mga ebidensya laban sa ilang mambabatas at opisyal ng pamahalaan.

Busy ang Malacañang sa pagharap sa sabay-sabay na problemang ito, kaya hindi napapanahon ang ‘papogian’ sa kasalukuyan.

Ang kailangan ay kung paano nila ito masoso­lusyunan.

Gayunman, umaasa ang marami na  magiging mapayapa ang mga gagawing pagkilos EDSA at ang mapayapang pagresolba sa  kaguluhan sa Zamboanga nang makabalik na sa normal na pamumuhay ang ating mga kababayan doon.

Dapat sa bawat pagkilos naman ay maging mahinahon, nang hindi na lumawak pa ang problema.

Hinay-hinay, ika nga!

 

AABOT

EDSA SHRINE

EDSA TAYO

METRO MANILA

QUEZON CITY

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with