Lalaki sa China, nagpapatrolya sa tulay para mapigilan ang mga nagsu-suicide
KAKAIBA ang ginagawang pagsisilbi sa kapwa ni Chen Si. Lalo na sa mga taong depressed at balak magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa Nanjing Yangtze River Bridge. Regular siyang nagpapatrolya sa tulay para mapigilan ang sinumang nais magpakamatay. Sa loob ng 10 taon, regular na nagpapatrolya si Chen Si sa tulay at mahigit 100 buhay na ang kanyang nailigtas. Tinagurian siyang “suicide watchmanâ€.
Isa ang China sa may pinaka-mataas na suicide rates sa mundo. Dahil bawal ang pagmamay-ari ng baril sa China, ang pinaka-paboritong gawin ng mga nagpapakamatay ay ang pagtalon sa tulay. Pinipili ng mga nagpapakamatay na tumalon sa mataas na tulay ng Nanjing Yangtze River. Malalim ang ilog at tiyak na mamamatay ang sinumang tumalon doon.
Para mabantayan nang husto ni Chen Si ang mga magpapakamatay sa tulay, nagrenta siya ng isang bahay na malapit sa tulay. Mula sa bahay ay natatanaw niya ang sinumang magtatangka at agad siyang sasaklolo. Kakausapin niya ang magpapakamatay hanggang sa makumbinsi niya.
Sa bahay na nirerentahan malapit sa tulay niya itinutuloy ang mga nasasagip niya sa kamatayan at patuloy na binibigyan ng psychological help. Kinailangan ni Chen Si na mangalap ng donasyon para sa kanyang mga nasasagip.
May sariling pamilya si Chen Si at nagrereklamo na ang kanyang asawa sa ginagawang pagtulong sa mga nagpapakamatay. Ayon sa asawa ni Chen Si, pati ang sariling pera nila ay nagagastos dahil sa pagtulong sa mga nagpapakamatay.
Pero matigas ang paninindigan ni Chen Si na patuloy na tulungan ang mga nagbabalak magpakamatay. Hindi raw niya kayang pabayaan ang mga kaluluwang nasa bingit ng tulay. Gagawin niya ang lahat para masagip ang mga nawaÂwalan na ng pag-asa sa buhay.
- Latest