^

Punto Mo

‘Pinaliguan ng mura’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAS malalim at matagal maghilom ang sugat na galing sa dila kesa sa patalim.

Sinigawan, minura at ipinahiya. Ganito inilarawan ni Rommel Simagala, 44, ng Binanganonan, Rizal ang kanyang sinapit umano sa among pinagsilbihan ng limang taon.

“Nagtatrabaho lang ako ng bigla niya akong pinagmumura. Hindi man lang niya sinabi kung ano ang nagawa kong kasalanan,” ani Rommel.

Namasukan siya sa Gardenville Plants and Resort, isang paliguan sa Binangonan. Ang taong tinutukoy niya ay hindi iba sa kanya. Ang tiyahin niyang si Benita Cruz na nagmamay-ari ng lugar ang umano’y nang-alipusta sa kanya. Dahil sa kahihiyang inabot umalis siya sa pinagtatrabahuhan ng walang paalam. “Hindi ko matanggap na pinagmumura niya ako pero dahil ayoko ng gulo, hinayaan ko nalang siya at umalis nalang ako,” kwento ni Rommel.

May asawa at apat na anak si Rommel. Nang mawalan ng trabaho’y kinailangan nilang magkawalay. Nasa Bicol ngayon ang pamilya niya samantalang naiwan siya sa Maynila upang maghanap-buhay. Dating tricycle driver si Rommel. Pumapasada siya umaga’t gabi para may ipambuhay sa pamilya.

Taong 2005 ng imbitahan siya ng kanyang tiyahing magtrabaho sa resort nito. “Maayos ang deal niya sa akin. Susweldo ako ng 185 php kada araw at papatirahin niya ako sa bahay niyang malapit sa resort. Sino ba naman ako para di pumayag sa magandang oportunidad na yun diba?” wika ni Rommel.

Naging maayos naman daw ang relasyon nila ng tiyahin. Nagustuhan niya ang trabaho pati na rin ang mga benepisyong nakukuha niya rito. Bagama’t hindi na madalas makita ang pamilya dahil halos 24 oras na nasa resort, pinilit pa rin magtrabaho ni Rommel para may ipanghain sa mesa. Alas-singko ng umaga ang pasok niya. Siya ang inatasang maglinis ng swimming pool pati na rin ng mga ‘cottages’. Sa pagtatrabaho niya rito kinailangan din niyang magtiis sa masasakit na salita ng tiya pati ang pang-iisnab sa kanya ng mga pinsan.

Hanggang nung Disyembre 2010 sumabog na siya sa galit. “Hindi ko na kinayang kahit wala akong maling ginagawa minumura pa din ako. Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Umalis na ako,” kwento ni Rommel. Dahil nakikitira lang sila sa tiyahin, minabuting umuwi nila Rommel sa mga magulang. Pagkarating niya raw ng bahay ay sinabihan siya ng amang pumunta di umano sa bahay si Benita at pinagbibintangan siyang kumuha ng pera. 

Napagtagni-tagni ni Rommel ang pangyayari. Hindi niya matanggap na sa limang taon niyang paninilbihan sa tiyahin niya makukuha pa rin siyang pagbinta­ngan nito ng pagnanakaw.

January 2011 ng pumunta sa Department of Labor and Employment (DOLE) si Rommel upang ireklamo ang pagmumura ng tiyahin. Pinapagharap ang magkabilang panig ngunit hindi rin sila nagkasundo. Ni-refer sila ng DOLE sa National Labor Relations Commission (NLRC) at napag-alaman niyang dati pa’y dapat na pala siyang­ makatanggap ng Overtime Pay, Holiday Pay, Premium for Holiday and Rest day, Leave Pay at 13th Month Pay. Nilakad niya ito.

September 2011 nag hearing ukol dito hanggang magdesisyon si Generoso Santos, ang arbiter ng NLRC-Calamba. Sinabihan sila ng arbiter na antayin na lamang ang desisyon. Dalawang taon matapos siyang makapag-apila sa NLRC, wala pa ring nangyayari sa kaso niya. Dito na siya nagdesisyong pumunta sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Bi­yernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Rommel Simagala.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES ang kasong SLANDER o ang pagsasabi ng masasakit na salita laban sa isang tao o di kaya’y pagsasabi ng mga bagay na walang katotohanan na magdudulot ng kanyang kahihiyan ay maaring patawan ng karampatan na parusa.

Sa “mental and emotional torture” na inabot ni Rommel, maari nga niyang sampahan ang kanyang tiyahin ng kasong sibil at humingi ng danyos.

Sa mga kasong isinampa niya sa labor ang ‘arbiter’ ang bahala magtimbang ng mga ebidensya at magdesisyon kung meron mga nalabag sa ‘Labor Code’ na hindi natanggap ni Rommel.

Para sa patas na pamamahayag pinilit namin kunin ang panig ng akusado ngunit hindi sinasagot ang aming mga tawag. Tinanong rin namin siya kung pwede pa bang ayusin ang nasirang relasyon nilang mag-tiya. Baka naman maari pang ayusin ito at magkapatawaran?  Para saan pa nga ba ang kanilang pagkakapamilya, hindi ba? (KINALAP NI MIG KAREN RAMIREZ)

Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166 (Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected]

AKO

BENITA CRUZ

CITY STATE CENTRE

NIYA

ROMMEL

ROMMEL SIMAGALA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with