Lampong (398)
BANTULOT si Jinky kung papasok. Hindi niya akalain na ganito ang mangyayari. Ang inaasahan niya ay si Patrick ang mararatnan dito at hindi ang mismong may-ari ng beltbag – ang lalaking nahuli niyang naliligo sa sapa.
“A e si Patrick lang sana ang sinadya ko rito at maÂngungumusta. Actually ay galing ako diyan sa malapit dito at ipinasya kong magdaan dito…’’
“Ah ganun ba? Wala si Patrick. Kaaalis lang niya kahapon patungong Saudi. Magtatrabaho siya roon.’’
“Ah ganun ba?â€
“Anyway, gusto kitang pasalamatan dahil nag-abala ka pang dalhin dito ang beltbag. At hindi naman ako papayag na basta ka na lang aalis. Halika muna rito sa loob, Jinky. Para man lang pormal akong magpasalamat.’’
“A e, kuwan nagmamadali kasi ako.’’
“Please Jinky. Kahit sandali lang. Kung si Patrick ay napaunlakan mo, sana pati ako.’’
Urung-sulong si Jinky. Papasok ba siya? Baka…baka…
“Masama ba akong tao at tila ayaw mong pumasok?â€
“Hindi!â€
“Please lang, Jinky. Kahit 10 minutes lang. Magkakilala man lang tayo.’’
Pumayag si Jinky. Mukha namang mabait ang lalaking ito.
“Sige na nga.’’
Napangiti ang lalaki.
Pumasok si Jinky. Dinala siya sa loob ng bahay.
“Maupo ka. Kukuha lang ako ng malamig na juice.’’
Umalis ang lalaki. Sinundan ni Jinky ng tingin. Naalala niya ito noong naliligo sa sapa. Hubo’t hubad.
Nang bumalik ang lalaki ay may dalang juice sa pitsel at isang baso.
“Uminom ka muna,†sabi at nagsalin sa baso.
Uminom si Jinky.
“Ako nga pala si Francis. Franc na lang.’’
Inubos ni Jinky ang juice.
“Salamat sa pagdadala mo ng beltbag. Hindi ko inaasahan na makikita pa iyon.’’
“Dinala ko rito dahil saÂyang naman.’’
“Naiwan ko iyon sa sapa. Naligo ako sa sapa, ha-ha-ha!â€
(Itutuloy)
- Latest