Mag-asawa, 66 years na nagsama, magkasunod na namatay
NAGKAKILALA sina Harold Knapke at asawa niyang si Ruth noong panahon ng World War II. Pagkatapos ng giyera, nagpakasal sina Harold at Ruth. Naging masaya at punumpuno ng pagmamahalan ang kanilang pagsasama. Nagkaroon sila ng mga anak. Ayon sa kanilang mga anak, nasaksihan nila ang walang katulad na pagmamahalan ng kanilang mga magulang. Hindi kailanman nagkahiwalay ang kanilang mga magulang at naging tapat sa isa’t isa.
Hanggang sa magkasakit si Ruth. Nagkaroon ng infection at hindi na umano ito makakarekober pa.
Ayon sa anak na si Margaret, nang ibalita ng mga anak kay Harold ang sakit ng kanilang inang si Ruth, tinanggap ito nang maluwag ng kanilang ama. Subalit mula noon, naging malulungkutin na ang kanilang ama. Tatlong araw ang makalipas, nagkasakit si Harold. Hindi na nakarekober. Namatay siya ng 7:30 a.m.
Nahirapan ang mga anak kung paano sasabihin sa nakaratay na ina ang nangyari sa kanilang ama. Pinaligiran nila ang kama ng nakaratay na ina at sinabi rito, “Mom nauna na si Daddy at hinihintay ka niya roon. Magkakasama kayo roon para maglaro ng paboritong card game. Huwag mo na kaming alalaÂhanin na mga anak mo.’’
Kinagabihan, dakong 6:30 p.m. namatay si Ruth.
Si Harold ay 91 at si Ruth ay 89.
- Latest