^

Punto Mo

Tanong kay Mayor Calixto: Saan napunta ang inutang na bilyong piso?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TULALA ang mga casual employee ng Pasay dahil sa balak ng city government na 17 percent budget cut sa pondo nito. Sa ngayon kasi, hindi matugunan ni Mayor Tony Calixto ang mga bayarin ng siyudad tulad ng suweldo ng Clean Team niya. Ayon sa mga kosa ko, hindi kumpleto ang suweldo ng Clean Team ni Calixto tulad ng TPMO, street sweepers at libu-libong senior citizens. Idagdag pa riyan ang P2,000 allowance ng mga titser, pulis, bumbero, tanod, kagawad at BJMP. Ang budget cut ay nakasalang na sa City Council at anumang oras ay maaaring maipasa na ito. Kapag nagkataon, ang lahat ng departments ng city government ay mababawasan ang pondo ng 17 percent at tiyak maaapektuhan dito ang public service, ayon sa mga kosa ko. At kapag natuloy itong budget cut, tiyak maraming casual employees ang uuwing luhaan dahil sila ang unang tatamaan, di ba mga kosa? Ang tanong sa ngayon ng mga kosa ko kay Calixto, saan napunta ang inutang ng city government na bilyon bago mag-election? Saka saan napupunta ang tax na ibinabayad ng Mall of Asia, Solaire at Resort World, eh milyon ’yun? A, si Calixto lang ang makasasagot nito, di ba mga kosa? He-he-he! Kanya-kanyang gimik lang ’yan!

Dahil demoralize nga ang mga empleado ng Pasay, hindi na halos sila nagtatrabaho at ang fixers na ang gumagawa ng gawain nila para kumita. Abot naman kasi nila na kahit walang pera ang kaban ng bayan, ang mga bulsa naman ng anak ni Calixto na si Mark at ang pinsan na si Prince ay puno ng pitsa. Ito kasing si Prince at ka­sosyong sina Brian Yasay at Lito Ocampo ang nabigyan ni Calixto ng prangkisa para patakbuhin ang pasugalan sa Sin City. Kahit may no take policy nga ang NCRPO at CIDG, eh mukhang hindi takot ang tropa ni Yasay, Prince at Ocampo. Anong say kaya ni Pasay police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca sa naglipanang pasugalan sa area n’ya? Hindi lang pala kay Llorca bagyo ang tropa ni Yasay, Ocampo at Prince kundi maging kina Supt. Partosa at Maj. Quimno na mga bataan naman ni SPD director Chief Supt. Jet Villacorte.

Dapat latiguhin ni Villacorte sina Partosa at Quimno para bigwasan nila ang mga puwesto nitong tropa nina Yasay, Ocampo at Prince, di ba mga kosa? He-he-he! Aabutin din ng kidlat ni Jet itong pasugalan sa Pasay. Para magiyahan sina Partosa at Quimno, ang mga malalaking kabuhan ng tropa ni Yasay ay sa Edang si Logie; si Kagawad Ruben sa San Roque at Salud; Romy ng Facundo; Cabrera ng Aurora; Roger ng Dolores sa may bumbero; Jing ng Maricaban; at may bookies ng karera sa Pasay cockpit at Ronald Labo ng post office ng Pasay. Kilala ang mga kabo sa mga nabanggit na lugar, ayon sa mga kosa ko.

Noong nakaraang Biyernes naman, kinausap ng mga kapitan ng barangay si Llorca tungkol sa petisyon nila sa sugal na sakla. Iginiit ni Llorca na ayaw talaga ni Calixto ng sakla. Sa kasagsagan kasi ng kampanya, nangako si Calixto na hindi n’ya papayagan ang sakla sa Sin City at imbes magbibigay na lang siya ng P7,500 sa mga naiwang pamilya ng mga namatay. Goodbye na ang sakla sa Pasay? Abangan!

 

CALIXTO

CLEAN TEAM

LLORCA

OCAMPO

PARTOSA

PASAY

QUIMNO

SIN CITY

YASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with