EDITORYAL - Protektahan ang ‘whistle blowers’
PARAMI nang parami ang “whistle blowers’’ na lumulutang at nagpapatotoo sa mga ginawa ni Janet Lim-Napoles, ang umano’y “utak†ng P10 bilyon pork barrel scam. Kahapon, may lumutang na namang “whistle blower†at sinabing ginawa siyang presidente ng isang foundation ni Napoles. Ang “whistle blower†ay isang maid sa Hong Kong. Umuwi siya para lamang tumestigo sa mga ginawa ni Napoles. Nakahanda umano siyang isiwalat ang lahat nang nalalaman ukol kay Napoles.
Umabot na umano sa 10 ang “whistle blowers†ni Napoles at mayroon pa umanong lulutang para idiin ang negosyante. Unang lumutang si Benhur Luy, empleado ni Napoles. Umano’y pinigil si Luy sa bahay ni Napoles, dahilan para magsampa ito ng illegal deÂtention. Ni-rescue ng NBI si Luy at mula noon, isiniwalat na nito ang maraming bank account ni Napoles na pinagdedeposituhan ng mga pondong nakukuha sa pork barrel ng mga mambabatas. Nang sumuko si Napoles kay President Aquino noong nakaraang linggo, nabuhayan ng loob ang mga “whistle blower†sapagkat makakasuhan na ng plunder ang negosyante.
Pero sabi ng ilang tao na naging “whistle blower†din, maaaring mawalan ng saysay ang paglantad ng mga “whistle blower†ni Napoles sapagkat hindi sila gaÂanong binibigyan ng proteksiyon ng gobyerno. Mawawalan daw ng interes ang mga “whistle blower†sa kaso ni Napoles at tiyak na malilimutan na ito.
Inihalimbawa ang nangyari sa “whistle blower†ni dating Agriculture Undersecretary Jocjoc Bolante na ngayon ay hindi na raw nakatatanggap ng tulong mula sa gobyerno. May sakit sa kasalukuyan ang “whistle blower†at umaasa sa ibinibigay na financial support ng gobyerno pero tila itinigil na umano.
Nasa kamay ng “whistle blowers†ang ikatatagumÂpay ng kaso kaya nararapat na bigyan sila ng sapat na tulong. Kailangan nila ng proteksiyon. Huwag haÂyaang mawala ang mga “whistle blower†lalo na ang mga nagnguso kay Napoles.
- Latest