^

Punto Mo

Ang langgam at contact lens

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

FINAL exam ni Andrea sa Physics. Sa sobrang hirap ng exam ay wala sa loob niyang kinamot ang kanyang mata. Sa kasamaang-palad ay nalaglag ang kaliwang contact lens niya. Patay! Super labo pa naman ang kanyang mata. Kahit nakasuot pa rin ang kanang contact lens, hindi na pantay ang kanyang paningin. Isang mata na lang ang puwedeng bumasa ng questionnaire. Nang magtaas siya ng kamay sa titser para mag-excuse at humingi ng tulong sa kanyang seatmates na pakihanap ang na­laglag niyang contact lens ay malamig ang mga naging sagot nila:

“Sorry, pass muna ako sa pagtulong… ang hirap ng exam, baka kung maghahanap pa ako ng contact lens mo, hindi ko matapos ang exam. Kawawa naman ako. KKB muna tayo.” Ibig sabihin, kanya-kanyang buhay. Bawal mang-abala.

Pumikit si Andrea at nagdasal. “Lord, hindi ko kayang hanapin mag-isa ang contact lens. Walang gustong tumulong sa akin. Ikaw na lang po ang puwedeng tumulong sa akin.”

Maya-maya ay napasigaw ang classmate ni Andrea na nasa likod niya. “Look Andrea, ang contact lens mo!” Sinundan ng tingin ni Andrea ang nakaturong daliri ng kaklase sa sahig. Yumuko siya at naaninag niyang “naglalakad” ang kanyang contact lens. Iyon pala ay buhat-buhat ito ng mga langgam. Napagkamalan sigurong pagkain ang contact lens. Ang kamay na ipinangkamot niya ng mata ay ginamit niya sa paghawak ng chocolate. Siguro ay napadikit ang “scent” ng chocolate sa contact lens kaya pinag-interesan ng langgam.

May baon siyang panglinis ng contact lens kaya naisuot muli niya ito. Nangilabot si Andrea sa paraan ng pagtulong sa kanya ng Diyos. Pinabuhat ito ng Diyos sa mga langgam upang mabilis makita ng kanyang mga kaklase.

God always takes the simplest way --- Albert Einstein

 

vuukle comment

ALBERT EINSTEIN

ANDREA

BAWAL

CONTACT

DIYOS

IBIG

KANYANG

LENS

LOOK ANDREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with