10 Commandments …para maging mabuting biyenan
I Mahalin at igalang ang bagong kasal. ( Pilitin mo kahit hindi ka boto sa iyong manugang.)
II Bigyan sila ng kalayaan sa kanilang buhay. (Huwag maging pakialamera.)
III Huwag ikukuwento sa ibang tao ang mga pagkukulang ng manugang. (Malay mo mas palpak ka kaysa manugang mo noong bagong kasal ka pa lang.)
IV Iwasang maging fault-finder. (Ikaw rin, magiging kontrabida ka, hindi lang sa manugang mo kundi sa buong pamilya niya .)
V Iwasang bumisita nang madalas sa bahay ng anak at manugang. Kung bibisita, ipaalam muna. (Huwag ‘yung basta ka na lang susulpot sa bahay na para bang nanunubok.)
VI Huwag umasa na madalas silang makakabisita sa inyo. (Lawakan ang pang-unawa at iwasang maging “tampuristaâ€.
VII Magbibigay lang ng payo kung hihingin nila.
VIII Iwasang i-pressure ang bagong kasal na bigyan ka ng apo ASAP. (Kung alam mo lang, mas matindi ang pressure, mas mahirap makabuo.)
IX Igalang ang taste ng manugang sa pagdedekorasyon ng kanilang bahay kahit pa gaano ito kabaduy sa iyong paningin.
X Laging ipagdasal na ang kanilang pagmamahalan at kaligayahan ay maging panghabambuhay.
- Latest