^

Punto Mo

Lampong (390)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“O KEY ba yun?” Tanong ni Dick sa waiter.

“Oo, okey si Vice, Bossing.’’

‘‘Sige i-table ko. Pero mamaya na at nasa stage pa.’’

“Areglado Bossing.’’

Umalis na ang waiter.

Habang umiinom ay pinagmamasdan ni Dick ang dancer na ang pangalan ay Vice. Bakit kaya Vice?

Tumungga ng beer si Dick. Sarap ng beer. Tamang-tama ang lamig. Dumampot siya ng isang   hiwang crispy pata. Isinawsaw sa spicy suka na may halong toyo. Isinubo. Sarap!  Tamang-tama ang anghang-asim at tamis. Pagkatapos nguyain ang crispy pata ay tumungga uli. Sarap talaga ng beer. Bakit kaya hindi pare-pareho ang lasa ng beer? Mas masarap dito kaysa sa Ms. University.

Pagkatapos maubos ang beer ay pinanonood ang mga dancer sa stage. Si Vice ang pinagmasdan niya. Mukhang mahiyain. Parang gusto pang itago ang mga suso e bilad na bilad na. Pawang wala nang bra ang mga dancer. Patuloy sila sa pagsasayaw. Maharot ang music. Tamang-tama ang umbok ng suso ni  Vice. Hindi pa nasasalanta. Parang wala pang bagyong nanalasa. Siguro ay bago pa lang sa ganitong trabaho si Vice. Baka kaya mahiyain dahil sa bago pa lang ito. Baka estudyante pa si Vice.

Maya-maya pa, namatay ang ilaw. Walang makita sa stage. At nang magbukas, wala nang saplot ang mga babae, pati si Vice. Lalong naging maharot ang music. Uminda-indayog ang mga babae. Nagpalit-palit ang ilaw.

Napagmasdan niya si Vice. Tamang-tama ang tumpok ng itim sa pagitan ng hita ni Vice. Maganda ang ayos. Hindi hiniwalayan ni Dick ang nakatumpok na itim sa pagitan ng hita. Hindi katulad ng kay Zen (dancer sa Ms. University) na parang pugad ng uwak ang nasa pagitan ng hita.

Natapos ang palabas ng mga babae. Namatay ang ilaw.

Nang mabuhay, iba nang set ng dancers ang nasa stage.

Ilang minuto ang nakalipas at nakita niyang papalapit ang waiter at kasama na si Vice. Fit na jeans at shirt ang suot ni Vice.

“Bossing, si Vice,’’ sabi ng waiter.

“Hi Bossing,” bati ni Vice.

“Hi, Vice! Maupo ka!”

Naupo si Vice.

“Bossing, okey na ha?” tanong ng waiter.

“Oo, oks na.”

(Itutuloy)

AREGLADO BOSSING

BAKIT

HI BOSSING

MS. UNIVERSITY

OO

PAGKATAPOS

SARAP

TAMANG

VICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with