^

Punto Mo

‘Palit pwesto’

- Tony Calvento - Pang-masa

KAPAG MAY sabit wag ka nang kumabit dahil baka bandang huli ikaw na ang sumabit. “Paano ako magiging kabit kung ako naman ang legal wife?” mariing sinabi ni Lyn. Si Marialyn “Lyn” Bersabe, 32, taga Mandaluyong City ay nagpunta sa aming tanggapan. Nirereklamo nya ang mga pinagkakalat ng pamilya ng kanyang asawang si Eduardo Bersabe o Eddie. Sinabi daw kasi ng mga kapatid ni Eddie na si Marialyn ay kabit lang at ang tunay na asawa ay si Helen. “Ang masaklap pati si Eddie pinagtatabuyan na ako. Sumama na sa isa. Pati ang anak namin hindi na niya sinusuportahan,” kwento ni Lyn. Taong 2005 una niyang nakilala si Eddie. Parehas silang gwardya sa Mead Johnson Company sa Makati. Parati siyang dinadalhan nito ng pagkain kaya napalapit siya dito. Nung panahong yun ay may boyfriend na si Lyn. Naririnig rin niyang may ka live-in at may tatlong anak na si Eddie kaya hindi na niya binigyang kulay pa ang pakikitungo nito sa kanya. March 10, 2010 ng magbitiw sa agency na pinapasukan si Lyn. Lumipat siya ng Bulldog Security Agency at na-destino agad sa pabrika ng Minami sa Cabuyao, Laguna. Ang hindi niya alam nalipat rin pala sa Sumiden, ang katabing kompanya ng kanyang pinapasukan, si Eddie. Isang araw nagkasalubong sila at nag-usap. Nagbalik din ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Mula nun lagi na raw siyang hinahatid-sundo ni Eddie. Nakikitulog na rin daw ito madalas sa boarding house ni Lyn. Hanggang  isang gabi hindi na daw nila napigilan ang init ng kanilang mga katawan. Binalewala na ni Lyn na may ka live-in itong si Eddie. Nagpadala sila sa agos ng init ng kanilang pagnanasa. November 27, 2010 ng magdesisyon ang dalawang magpakasal. Nangupahan sila sa Pacita Complex San Pedro, Laguna. Nagtataka si Lyn na bagong kasal pa lamang sila madalas nang umagahin itong si Eddie. Nang kinompronta niya ito nagtapat si Eddie na nagsasama pa rin sila ng dati niyang ka live-in na si Helen at binibigyan pa rin niya ng sustento ang kanilang mga anak. Bagama’t masakit sa kanyang kalooban wala siyang magawa dahil ayaw niyang mawasak ang kanilang kasal at tuluyang magkahiwalay silang mag-asawa. “Pumayag akong sustentuhan ang mga anak niya pero ipinaglaban ko ang aking karapatan. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa tao na kakakasal palang namin naghiwalay kami agad?” wika ni Lyn. September 11, 2011 nanganak si Lyn. Inisip niyang mas bibigyan siya ng prioridad dahil may bago silang baby. November 26, 2011  nagpaalam si Eddie sa kanyang ibebenta ang motor nila sa Cavite. Kinabukasan hindi bumalik ang kanyang asawa. Tinatawagan niya ito pero hindi raw siya sinasagot. Napuno na siya kaya sinugod niya ang asawa sa bahay ni Helen. Karga niya ang noo’y dalawang buwang sanggol nila. Hindi siya hinarap ni Eddie hanggang sumapit ang gabi. Pinayuhan siya ng mga kagawad na sa Brgy. Hall na lamang magpa-umaga. Kinabukasan nagising siya sa boses ni Eddie. “Halika, umalis na tayo dito. Bilisan mo kasi susunod yun si Helen,” sabi daw ng asawa sa kanya. Sumama sila ng anak niya angkas sa isang motorsiklo at dumeretso ng Mandaluyong para dun na tumira. Disyembre taong 2011 ng makatanggap si Eddie ng text galing sa ate nito. Ang laman ng text ay alam na ni Helen na nagpakasal siya kay Marialyn. Hunyo taong 2012 ng balakin ni Marialyn na bumalik sa pagiging gwardya. Hindi na daw kasi niya makayang wala silang makain dahil hindi naman sila sinusuportahan ng maayos ni Eddie. Hinatid niya ang anak niya sa probinsya nila sa Surigao at pagkatapos ay bumalik na ng Maynila upang magtrabaho. Dahil sa kagustuhang kumita nag-duty siya umaga’t gabi para lang makaipon ng maipapadala sa anak. Minsan na lamang kung sila’y magpang-abot sa bahay ng asawa niya. Dito na nagsimulang magselos si Eddie. Pilit na kinukuha ang cellphone niya. “Minsan pa nga’y sinasampal niya ko. Bakit daw lagi ako naka-lipstick, naka-make up, naka-ayos. Sinasagot ko siyang kelangan kong mag-ayos para sa trabaho ko pero binubugbog niya lang ako,” wika ni Lyn. August 2012 raw ng umabot na sa sukdulan ang ginagawang pananakit ni Eddie sa kanya. Kakagaling niya lang sa trabaho ng biglang hinablot ang damit niya ng asawa at inihiga siya sa sofa. “Ni-rape niya ako. Umiiyak ako pinipigilan ko siya pero patuloy niya kong pinagsasamantalahan,” ayon kay Lyn. Pagkatapos pa daw siyang gahasain ng asawa’y pinagmumura siya. “Sinigawan niya ko dahil hindi siya nahirapan gamitin ako kaya malamang daw ay may gumagamit sa akin,” dagdag niya. Mula nun ay naging masalimuot na ang pagsasama ng dalawa. Madalas na siyang bugbugin ng asawa. Dahil sa mahal niya si Eddie madalas pa rin niya itong pinapatawad. Hanggang nung October 15, 2012 si Eddie na daw mismo ang umalis sa bahay nila. Nagpaalam lang daw itong magbibigay ng sustento sa mga anak sa Cavite ngunit hindi na kailanman bumalik pa. Tinawagan ni Marialyn ang asawa ngunit ang sabi lang nito’y “Ayaw ko nang umuwi sa’yo dahil nagpapagamit ka sa kung kani-kanino.” Simula nun hindi na nagsama  sila Marialyn at Eddie. Bagama’t sinubukan niyang kunin muli ang loob ng asawa’y nagmatigas na ito at patuloy siyang pinagbibintangang nangaliwa. Ngayon kumakayod si Lyn para buhayin ang kanyang anak. Nais lamang niyang makakuha ng suporta galing sa asawa ng sa gayun ay matustusan niya ang pangangailangan ng anak nila.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Marialyn Bersabe. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, ayon sa ating Revised Penal Code, ang concubinage ay ang pakikiapid ng isang tao sa isang babaeng hindi niya asawa. Dahil kasal sila Marialyn at Eddie maaari siyang magsampa ng kaso dito. Kelangan ihain niya ang demanda sa lugar kung saan nagsasama sila Eddie at ang ka live-in nito. Pinaliwanag rin namin kay Lyn na pwede siyang mag file ng kasong sibil na Petition for Support para magkaron ng sustento ang kanilang anak. Para sa patas na pamamahayag, minarapat naming kausapin si Eddie ngunit hindi na namin siya ma-contact.  (KINALAP NI MIG KAREN RAMIREZ) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong­ mag-text sa 09213263166 (Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected]

vuukle comment

ANAK

ASAWA

EDDIE

LYN

MARIALYN

NIYA

SILA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with