‘Holdap sa Sta. Mesa’ (BITAG Classic)
NAGSISILBING kuta ng mga masasamang-loob ang lansangan!
Kuwidaw kayo! Nagtatago ang mga putok sa buho sa mga eskinita at madidilim na bahagi ng kalye pagkagat ng dilim!
Taong 2008, naidokumento ng BITAG ang estilo ng dalawang putok sa buhong kawatan sa Sta. Mesa, Maynila.
Sinundan namin ang bawat kilos ng mga kawatan. Sinadya talaga nilang mambiktima sa dis-oras ng gabi kung kailan bihira na lang ang mga bystander at mga pasahero sa lansangan!
Sapol ng aming kamera ang paglilipat-lipat ng sasakyan ng dalawang putok sa buho.
Mapapansing pinag-aaralan muna nila ang kanilang mga pasahero bago sila magdeklara ng holdap!
Abangan ang pagratsada ng BITAG mamayang alas-8:00 ng gabi sa www.bitagtheoriginal.com!
Patuloy na nagpapaalala ang BITAG sa publiko, iwasang magpagabi sa mga lansangan. Dahil ang mga criminal ay nag-aabang lang ng magandang tyempo bago ikasa ang krimen!
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
- Latest