^

Punto Mo

Lampong (384)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

BATA pa siya at sariwa. At hindi dapat magtiis ang katulad niya. Kung wala nang maipagkakaloob sa kanya si Dick, siguro panahon na para maghanap siya ng magpapaligaya sa kanya. At saka ano nga ba ang malay niya, baka kung anu-ano ang ginagawa ni Dick sa Maynila. Baka dahilan lang ang “paglungayngay” para makatikim ng iba. O maaari namang “lungayngay” na nga talaga siya at wala nang silbi kaya ayaw nang magpakita.

Kumilos si Jinky sa pagkakahiga. Kinuha ang isang unan at iniipit sa pagitan ng mga hita. Ahhh! At parang tukso naman na naalala niya si Patrick. Nakakamukha nga ni Patrick ang lalaking naligo sa sapa na nakaiwan ng beltbag. Ano kayang pa­ngalan ng lalaking iyon? Bakit nalimutan niyang itanong ang pangalan? Ibinigay niya ang cell phone number niya kay Patrick.

Tawagan kaya siya ng ka­patid ni Patrick? Sabagay, kahit­ hindi siya tawagan okey naman kung si Patrick ang maging kaibigan niya. Mukhang okey na kaibigan si Patrick. Mukhang mabait. Kanina, napansin niya ang harapan ni Patrick. May nakabukol, ha-ha-ha!

Inipit pa ni Jinky ang unan sa pagitan ng mga hita. Ahhh!

NANG mga sandaling iyon naman sa Maynila, na­isipan ni Dick na magpunta sa BlackHorse KTV bar sa may Buendia. Ayaw na niya sa Ms. University at baka makita pa niya roon si Mr. Chan. Ayaw na niyang makita si Mr. Chan. Basta iinom lang siya rito sa BlackHorse at pagkatapos ay uuwi na siya. Kapag nakatatlong beer siya ay okey na. May nagpapalabas din na mga babaing hubad sa BlackHorse pero hindi kasing wild sa Ms. University. Dito ay pahubad-hubad lang at tapos na. Walang nagbubukaka!

Nakakadalawang bote na si Dick at nagwawating-wating na ang tingin nang may tuma­pik sa balikat niya.

“Dick, andito ka rin, ha-ha-ha!”

Si Mr. Chan! Bakit narito ang Tsinoy na ito? Hindi kaya sa kanya rin itong BlackHorse?

Naupo si Mr. Chan.

“Maliit talaga ang mundo, Dick, ha-ha-ha!’’

“Oo nga Mr. Chan. Lagi tayong nagkikita.’’

“Alam ko may problema ka, Dick. Siguro matutu­lungan kita, ha-ha-ha!’’

Problema?

“Anong gusto mong sabihin, Mr. Chan?’’

“Alam ko hindi na ma­sigla si Batutoy mo, ha-ha-ha!’’

(Itutuloy)

AHHH

ALAM

AYAW

BAKIT

DICK

MR. CHAN

MS. UNIVERSITY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with