^

Punto Mo

‘One-stop shop’ (Marketing strategy, fraudulent scheme)

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMING remittance center ang nagkalat sa bansa! Kanya-kanyang patalastas sa publiko para maka-BITAG ng mga kustomer na kakagat sa kanilang marketing scheme.

Ito ‘yung ideyang “one-stop shop” o ang pag-aalok ng iba’t ibang serbisyo ng ilang sikat at malalaking negosyo sa loob at labas ng Pilipinas! Ang siste, sila ang bahalang magpo-proseso ng mga bayarin, remittances, booking online, bills payment at iba pang mga kauri nitong transaksyon.

Pero, kuwidaw! Posibleng mapasama kayo sa mga mabibiktima ng mga iligal na remittance center gamit ang kanilang estratihiya!

Marami nang ibinistong bogus na mga “one-stop shop” business ang BITAG! Lahat, itinanggi at hindi kinilala ng mga kompanyang ginamit nila sa kanilang marketing plan.  Kaya ang mga kliyenteng pumatol sa kanilang serbisyo, naputulan ng kuryente, tubig, telepono, internet connection at iba pang mga kauri nito, bago pa man maiayos ang kanilang reklamo!

Ayon sa Asian Bankers Association, mas mataas ng 30-40 porsyento ang transaksyon sa un­registered remittance agents kumpara sa mga lehitimo at rehistrado sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Marami pang mga fly-by-night remittance center ang maglilitawan lalo na at papalapit ang “ber” months.

Wala namang masama sa “one-stop shop” businesses. Hindi layunin ng BITAG na siraan ang ganitong linya ng negosyo lalo na kung lehitimo ang operasyon at walang intensyon na manlinlang ng publiko!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsaradyo. Sa mga episode ng PINOY-US Cops – Ride Along at BITAG, ugaliing mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

 

vuukle comment

ASIAN BANKERS ASSOCIATION

AYON

BANGKO SENTRAL

BITAG LIVE

MARAMI

PILIPINAS

RIDE ALONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with