^

Punto Mo

EDITORYAL - Trahedyana naman

Pang-masa

ISA na namang trahedya sa dagat ang nangyari na nagbuwis sa buhay ng 35 pasahero. Binangga umano ng cargo vessel na pag-aari ng Sulpicio Express 7 ang MV St. Thomas Aquinas noong Biyernes ng gabi sa karagatan ng Talisay, Cebu. Sa lakas ng pagbangga, nawasak ang unahan ng cargo vessel subalit mas malaki ang dinulot sa pampasaherong barko sapagkat agad itong lumubog at nagtalunan ang mga pasahero. Ang iba ay nailigtas ng mga nagrespondeng mangi­ngisda subalit marami pa ang hinihinalang nasa loob ng barko. Nasa 80 pasahero pa ang hinahanap. Karamihan sa mga nasagip ay punumpuno ng langis (diesel oil) ang katawan. Tumagas ang langis sa barko.

Ang pangyayari ay nagpapaalala sa nagbanggaang MV Doña Paz at Mt Vector noong December 1987 na ikinamatay ng 4,000 katao. Ang trahedyang iyon ang sinasabing pinaka-worst sa maritime history sa Asia.

Pero sa kabila nang pangyayaring iyon, tila wala pang leksiyon na nakukuha ang mga may-ari ng barko. Sa pagkakabangga ng cargo vessel Sulpicio sa pampasaherong Thomas Aquinas, makikita kung anong klaseng kapitan ang nagmamaneho ng vessel. Sa lawak ng dagat ng Talisay at hindi naman masama ang panahon, binangga niya ang barko. Ayon sa isang nakasaksi, tuluy-tuloy ang cargo vessel na parang walang nakikitang nagdaraang barko. Nagpapakita lamang ito na walang kakayahan o kaalaman ang kapitan ng vessel.

Magkakaroon ng imbestigasyon sa trahedyang ito at tiyak na magtuturuan na naman kung sino ang may kasalanan. Sana, hindi ito matulad sa iba pang trahedya ng mga lumubog na barko na hanggang ngayon, hindi pa nababayaran ang mga biktima. Hindi sana maging kaawaawa ang naulila ng mga biktima. Pagbayarin ang may kasalanan sa trahedyang ito.

AYON

BARKO

BINANGGA

MT VECTOR

ST. THOMAS AQUINAS

SULPICIO EXPRESS

THOMAS AQUINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with