^

Punto Mo

Sulpicio na naman!

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

TILA wala nang katapusan ang mga trahedya sa dagat na kasasangkutan ng kompanyang  Sulpicio Lines. Napakaraming buhay na ang nawala dahil sa kompanyang ito. Hindi pa man natatapos ang mga usapin sa korte, muli na namang nasangkot sa trahedya sa karagatan ang kanilang cargo vessel noong Biyernes ng gabi nang banggain ang MV Saint Thomas Aquinas sa karagatan ng Talisay, Cebu. Sa pinakahuling report, 38 na ang namamatay at marami pang nawawala.

Nagbago ng pangalan ang Sulpicio Lines at tinawag ng Philippine Span Asia Carrier Corp. (PSACC) limang taon na ang nakalilipas. Marahil ay upang magbagong anyo at makalimutan ang mga kinasasangkutang aksidente.

Libo na ang namatay sa trahedyang kinasangkutan ng Sulpicio Lines pero hanggang ngayon, parang hindi umuusad ang hustisya para sa mga pamilya ng mga biktima. Hindi napaparusahan ang mga may-ari at opisyal ng Sulpicio.

Noong December 1987, lumubog ang Doña Paz ng Sulpicio Lines nang makabanggaan ang MT Vector na ikinamatay ng 4,000 katao. Noong 1988, lumubog ang kanilang barkong Doña Marilyn  sa Leyte na ikinamatay ng 250 katao. Noong September 1998, lumubog ang kanilang barkong Princess of the Orient sa may Batangas. Noong June 2008, lumubog ang M/V Princess of the Stars sa may Romblon na ikinamatay nang may 800 katao habang nasa kasagsagan ang bagyong Frank.

Sa nangyaring trahedya noong Biyernes na marami na naman ang nagbuwis ng buhay, makalusot na naman kaya ang Sulpicio Lines sa pananagutan? Papaano na ang libo-libong  biktima ng trahedya sa karagatan ng kompanyang ito na hanggang ngayon ay sumisigaw ng katarungan.

Hindi matitigil ang ganitong trahedya hangga’t walang napaparusahan. Sana naman, sa lalong madaling panahon ay maglabas ng desisyon ang korte at papanagutin na ang mga may-ari at opisyal ng Sulpicio Lines.

BIYERNES

NOONG DECEMBER

NOONG JUNE

NOONG SEPTEMBER

PHILIPPINE SPAN ASIA CARRIER CORP

PRINCESS OF THE ORIENT

SAINT THOMAS AQUINAS

SULPICIO LINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with