EDITORYAL - ‘Sa kamay ng hayok’
MARAMING Pilipinang domestic helper sa Saudi Arabia at Kuwait ang dumaranas ng matin-ding pagsubok sa buhay. Karamihan sa kanila, mga demonyo ang nasusumpungang amo --- ma-babae o ma-lalaki man. Ang babaing amo, walang awa sa katulong --- pinaplantsa, binubuhusan ng mainit na tubig, sinasampal at pinapalo ng kung anong ma-dampot na bagay. Ang lalaking amo, pagtitripang hipuan at gahasain ang Pinay na katulong. Higit pa sa impiyerno ang kalagayan ng mga Pinay DH doon.
At lalong nagiging impiyerno ang buhay ng mga Pinay kung ang mga taong hinihingian nila ng tulong sa embassy at labor office doon ay “dadagitin’’ din sila. Sa halip tulungan, lalo pang binubulid sa impiyerno.
Ganito ang nangyari sa tatlong Pinay domestic helpers habang nasa isang shelter sa Philippine Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia. Ikinuwento ng tatlo sa isang hearing sa Senado ang masaklap at di-makataong karanasan nila sa isang Philippine Overseas Labor Office (POLO) official doon. Iniharap sa tatlong Pinay ang opisyal ng labor. Ayon sa pagsasalaysay nina “Michelleâ€, “Angel†at “Analizaâ€, napakaÂsaÂmang karanasan ang sinapit nila kay Antonio VillaÂfuerte. Ayon kay Michelle ay tinangka umanong gahasain ni Villafuerte habang nasa POLO office. Nakaranas naman ng mga bastos na salita sina Angel at Analiza sa nabanggit na POLO official. Nang iniinterbyu sila, tinanong pa raw ni Villafuerte kung gaano kalaki ang ari ng amo na gumahasa at anong sexual position habang niri-rape. Gumamit din ng salitang salungsu at salungki si Villafuerte nang tanungin ng isa sa mga babae kung saan siya kukuha ng bra at panty habang nasa shelter. Ayon naman kay Villafuerte, ang salitang iyon ay ginagamit niya sa pakikipag-usap sa kanyang asawa. Itinanggi rin niya ang panggagahasa. Hindi naman kumbinsido ang mga senador sa paliwanag ni Villafuerte. Sabi ni Enrile, hindi nararapat kay Villafuerte na magsalita ng mga bastos.
Kawawa ang tatlong Pinay workers at nararapat magkaroon ng hustisya ang kanilang sinapit. Hindi dapat mauwi sa pag-iimbestiga lang ang kasong ito. Pinaka-mabuti namang magagawa ng Aquino administration ay matigil na ang pagtungo ng mga Pinay sa Middle East para mag-DH. Magkaroon na sana sila nang maayos na hanapbuhay sa bansa para maputol na ang pagmamaltrato at pangmamanyak sa kanila roon na hindi lang ng amo kundi ng labor official.
- Latest