^

Punto Mo

Gen. Purisima, ilambada mo na si SPO1 Jose Bernardino

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NABANGGIT ang pangalan ni SPO1 Jose Bernardino Jr. alyas Jun sa kaso ng 17 pulis ng Regional Police Intelligence and Ope-rating Unit (RPIOU) na sangkot sa P3 million shakedown sa anim na Koreano noong Hulyo 12. Hindi naman kasama si Bernardino sa raid na isinagawa sa inuupahang bahay ng mga Koreano sa 356 Country Club Drive sa Ayala Alabang Subd., sa Muntinlupa City subalit nakita siyang nakikipag-usap sa team leader na si Chief Insp. Redentor Agcio habang sa kainitan ng negosasyon para sa “ransom” ng mga foreigner sa RPIOU office mismo.

Si Bernardino rin ang tinutukoy ng scalawag cops na sina Insp. Arnold Sandoval, SPO4 Fernando Cantillas, SPO2 Gener Presnedi at PO2 Fernando Diamzon na tutulong sa kanila para ma-cancel ang order nila na ma-relieve sa Manila Police District (MPD). Itinuturo ng mga kasamahan niya sa RPIOU na “money-maker” nila si Bernardino. Ano ba ‘yan? Hanggang kailan kaya ang buwenas ni Bernardino mga kosa?

Kahit wala sa raid si Bernardino, kasama siya sa kinasuhan ng mga Koreano na sina Young Suk Lee, 22, Sang Don Lee, 32, at Jung Hun Yang, 29, ng robbery with intimidation, arbitrary detention at maliciously obtained search warrant sa Department of Justice (DOJ) noong Huwebes. Pinipilit kasi ng mga taga-RPIOU na sangkot sa cybercrimes ang mga Koreano kahit ginigiit nila na stock trading ang negosyo nila.

Sinabi ng mga Koreano sa kanilang affidavit na hindi sila binigyan ng kopya ng search warrant subalit nilimas ng mga raiders ang bahay nila nang LCD TV sets, gold necklace, earring, bracelet, ring, LG desktop monitor, 2 IPhone5, 2 Samsung S3, Apple IPad, 11 mamahaling sapatos, caps, bags at signature watch, perfume, belts at wallets na nagkakahalaga ng P739,000. Kinumpiska rin ang ATM cards ng mga Koreano, pinilit na kinuha ang mga PIN nila at winidraw ang mga laman nito. Si Jung ay nawalan ng P38,000. He-he-he. Lumang gimik na ito subalit ginagamit pa rin ng mga tiwaling pulis, di ba mga kosa?

Itong si SPO1 Robert Vecida ang itinuturo ng mga Koreano ang lumapit sa kanila at humingi ng P3 million bilang kapalit ng kalayaan nila. Pabalik-balik si Vecida sa mga Koreano, at pababa nang pababa ang hinihinging pitsa hanggang sa magkasundo sila sa P1.5 milyon. Habang nakipagnegosasyon, nakita ng mga Koreano na kausap ni Vecida sina Agcio at Bernardino, na natandaan nila dahil sa korte ng mukha nito, kapag lumabas sila sa kuwarto kung saan sila na-detain tuwing manigarilyo o iunat nila ang mga paa nila. Na-reduce sa P500,000 ang ransom nila at si PO3 Roderico Cruz ang kumuha nito sa Maxim’s Hotel sa Pasay City kung saan nai-wire ng mga kaibigan nila sa Korea ang pera, anang mga Koreano.

Masasabi ko na malaki ang magiging papel ng Ipad na kinulimbat ni PO3 Benjie de Villa para patunayan na totoo ang bintang ng mga Koreano. Ginamit kasi ng asawa ni De Villa ang IPad na hindi niya alam ay nakarehistro sa account ng Koreano sa stock trading. Siyempre, lumitaw sa account ng Koreano ang lahat ng kuha ng misis ni De Villa. Dapat ilambada ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima si Bernardino para hindi na siya pamarisan pa ng mga tiwaling pulis. Abangan! 

 

 

ALAN PURISIMA

ARNOLD SANDOVAL

AYALA ALABANG SUBD

BERNARDINO

CHIEF INSP

DE VILLA

DEPARTMENT OF JUSTICE

KOREANO

NILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with