‘Bukas-kotse’ (American Style)
ISTRIKTONG ipinatutupad ang mga batas sa United States. Ang mga awtoridad, laging nakaalerto sa mga kriminal na nagkalat sa lansangan!
Pero ang ilang mga kolokoy, madiskarte! Matagumpay na naisasagawa ang kanilang mga hokus-pokus at nalulusutan ang batas gamit ang iba’t ibang estratihiya!
Agosto 2009, habang nagdodokumento ang BITAG ng PINOY-US Cops sa Daly City California, isang kahina-hinalang ginang ang aming naispatan.
Nakaagaw siya sa aming pansin dahil sa kakaiba niyang mga kilos.
Hindi mapakali at paikot-ikot sa pinupuntiryang kotse na nakaparada sa harap ng gasoline station at masusing sinisipat ang lahat ng maaaring pakinabangan.
Para hindi mahalata ng mga motorista at bystanders sa lugar, umasta ang ginang na pag-aari niya ang sasakyan gamit ang iba’t ibang uri ng susi!
Lingid sa kanyang kaalaman, hulog na siya sa BITAG!
Abangan ang mga eksenang napitikan at naidokumento ng BITAG sa Amerika!
Mag-log on sa BITAG Channel sa www.bitagtheoriginal.com mamayang 10:00 ng gabi para mapanood ang “Bukas-Kotse (American Style)â€
Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa [email protected]. Maaari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
- Latest