^

Punto Mo

Lampong (378)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKA naman may pinuntahan lang si Mam Jinky na mahalaga kaya hindi pa dumarating,” sabi ni Mulong.

“Bakit hapon na e wala pa. Sabi niya, sandali lang daw siya.’’

“O malay mo kung pinuntahan ang kanyang nanay at anak. Di ba matagal na ring hindi nakadadalaw si Mam sa kanyang anak mula nang ikasal sila ni Sir Dick?”

Napatangu-tango si Tina. Baka nga nagtungo sa nanay niya si Jinky.

“Nakita mo na ba ang anak ni Mam Jinky, Tina?”

“Oo. Dalagita na. Ma­ganda. Kamukha ni Mam Jinky.”

“Sino ba ang ama ng batang iyon?”

“Uy tsismoso ka, Mulong ha?”

“Tayong dalawa lang naman. Kasi matagal na akong nagtataka kung sino ang ama.”

“Pagkaalam ko, base sa kuwento ni Mam, nabuntis siya ng isang kapwa niya estudyante noong nasa Maynila pa siya. Bigla na lang na hindi nagpakita ang lalaki. Pero sa halip na ilaglag o i-abort, itinuloy na niya.’’

“A ganun pala. At mula noon, hindi na siya nag-asawa.­”

“Oo. Nang maka-graduate, nagtungo na rito sa Villareal at dito na nagtayo ng negosyo. Sinuwerte naman.”

“Pero dati na silang magkakilala ni Sir Dick di ba?”

“Ewan ko. Kayo ang magkaibigan ni Sir Dick di ba? Sana itinanong mo sa kanya.”

“Dati na nga silang magkakilala. Sinundan nga niya rito si Mam Jinky. Di ba nga nagtago pa siya ng identity. Di ba Tanggol dati ang ipina­tawag niya. Nagpahaba pa siya ng buhok at balbas di ba?”

“Ay oo nga. Oo natatandaan ko na, Mulong.”

“Malilimutin ka na Tina. Ganyan ba ang tumatandang dalaga.”

“Uy hindi ah. Di pa ako matanda.’’

“E kailan ba tayo magpapakasal, Tina?”

“Ano? Hindi ka pa nga nanliligaw e kasal na.”

“Kailangan pa ba yung ligaw-ligaw?”

“Siyempre.”

“I love you, Tina.”

“Puro ka biro, Mulong.”

“O ngayong nagsasabi na ako, sasabihin mo puro biro.”

Tumingin si Tina kay Mulong.

“Hindi ka nagbibiro, Mulong?”

“Hindi. Mahal talaga kita. Noon pa.”

Hindi nakapagsalita si Tina.

Hinawakan ni Mulong ang kamay ni Tina at pinisil.

“Mahal din kita Mulong.”

“Yahooo!” sigaw ni Mulong.

Masaya sila pareho. Walang kasingsaya.

“Paano si Mam Jinky, Mulong?”

“Huwag kang mag-alala at darating din yun.”

Lumipas ang isang oras, dumating nga si Jinky. Na­panatag si Tina. Ligtas naman pala si Jinky.

(Itutuloy)

JINKY

MAM

MAM JINKY

MULONG

OO

SIR DICK

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with