^

Punto Mo

‘Scalawag cops’

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IPINAGKAKALAT sa Manila Police District headquarters ng “scalawag cops”, na tinawag ni President Aquino na “kampon ng dahas,” na nakausap at ayos na sila kay NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. Ang naturang balita ay music in the ears para sa gambling lord na si Delfin “Daboy” Pasya na kaagad nagyabang na magiging matining na ang tabakuhan sa Maynila sa loob ng dalawang linggo. Kung ang ibig sabihin ng scalawag cops ay nabili na nila si Garbo, aba sa tingin ko nagkamali sila mga kosa. Kasi nga ang totoo, nagpalabas ng kautusan si Garbo noong Agosto 2 na nire-relieve sina Insp. Arnold Sandoval, SPO4 Fernando Cantillas, SPO2 Gener Presnedi at PO2 Fernando Diamzon sa MPD at itinapon sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Panay dakdak si Mayor Erap Estrada laban sa kotong cops at ilegal na pasugalan, subalit hindi natinag ang apat at si Garbo lang ang naging katapat. Si MPD director Chief Supt. Isagani “Boy Tuwalya” Genabe? Matagal na sa puwesto si Genabe subalit hanggang ngayon parang nanonood pa rin siya ng pelikula ni Erap. Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa pagbuwag ni Garbo ng sindikato ng “scalawag cops” sa Maynila, tiyak nanginginig na ang mga tuhod ng mga galamay nila tulad nina PO3 Mike Pornillos, PO3 Ruel Robles, Caloy Chan, Von Cruz, at mga alyas Caril at Angel. Kung ang apat nilang lider ay nasampolan ni Garbo, sila pa kaya?

Kung sabagay, hindi na bago ang pagtatapon ng “scalawag cops” dahil inumpisahan ito noong kapanahunan ni dating PNP chief at Sen. Ping Lacson. Maraming “scalawag cops” ang itinapon sa Mindanao subalit dahil may mga ipon na ang mga loko, binili nila ang kanilang mga hepe para manatili sila sa Maynila. Kung hindi naman kayang bilhin ang mga hepe nila, ang “scalawag cops” ay maraming datung na baon at doon sila sa mga hotel natutulog. Kung nagawa ito ng “scalawag cops” noon, hindi nalalayo na gagawin din ito nina Sandoval, Cantillas, Diamzon at Presnedi dahil malapit lang naman ang Maynila sa Bicutan.

Sa panahon ngayon ng hi-tech communications equipment, wala nang imposible. Ang Chinese drug lord nga na si Jackson Dy ay patuloy na pinapatakbo ang sindikato niya sa droga, gamit ang cell phone, kahit nakakulong siya. Kaya dapat imonitor ni Garbo ang galaw nitong “scalawag cops” dahil sila na nga ang may butas ng bookies na karera sa Maynila, sila pa rin ang mga tong collector ng City Hall, MPD, NCRPO at iba pang unit ng CIDG. Ayon sa mga kosa ko, si Presnedi ay may 80 butas ng karera sa Maynila at naghihikayat pa ng kapwa n’ya gambling lord na mag-umbrella sa kanya. Sa pagka-relieve n’ya, nawalan ng asim si Presnedi, di ba mga kosa?

Sa totoo lang, sa pagsibak ni Garbo sa “scalawag cops”, medyo naiangat na niya ang imahe ng PNP. Kapag nangharabas kasi ang “scalawag cops”, siyempre ang sinisisi ng sambayanan ay ang liderato ng PNP, di ba mga kosa? Alam ni P-Noy ang problemang dulot ng “scalawag cops” kaya tinuldukan na niya ito. Subalit hindi nawawalan ng pag-asa ang “scalawag cops” at nilalakad nilang ma-cancel ang relief order nila at ang bukambibig nila sa ngayon ay ang pangalan ni Jun Bernardino. Abangan!

ANG CHINESE

ARNOLD SANDOVAL

CHIEF SUPT

COPS

GARBO

MAYNILA

PRESNEDI

SCALAWAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with