^

Punto Mo

Baboy!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PAGOD na pagod ang pulis sa dami ng kanyang tinapos na trabaho nang araw na iyon. Pero may kailangan pa siyang puntahang tao na witness sa isang kaso na hinahawakan niya. Habang minamaneho niya ang patrol car sa kahabaan ng kalsada patungo sa bahay ng witness ay may natanaw siyang mga lalaking nag-iinuman sa tabi ng kalsada. Pagtapat niya sa mga lalaking nag-iinuman ay may biglang sumigaw ng: “Baboy!” Napansin niyang sumenyas pa ng dirty finger ang isang lalaki.

Biglang nagpanting ang tenga ng pulis. Parang kumulo paitaas ang lahat ng kanyang dugo patungo sa ulo. Ibabaling sana niya pabalik ang sasakyan upang balikan ang mga lalaking bastos ngunit hindi na niya nagawa dahil isang malaking baboy ang tumatakbo palapit sa patrol car. Hinahabol kasi ito ng isang babae. Bumangga ang malaking baboy sa sasakyan pero tumayo at tumakbong muli. Buti na lang at nakapreno na ang patrol car kaya hindi napuruhan ang baboy.

Lumapit sa pulis ang tatlong lalaking nag-iinuman.

“Sir, sinesenyasan na namin kayo kanina pero hindi n’yo yata naintindihan. Sumigaw kami ng baboy dahil kanina pa nagwawala ang baboy na iyan.”

Napangiti ang pulis. “Iba ang dating sa akin ng inyong sigaw na BABOY. Parang may nag-dirty finger pa sa inyo.”

Naghagikhikan ang tatlong sunog baga. Hinila ng unang lalaki ang kamay ng isa niyang kasama. Ipinakita sa pulis. Ang middle finger ng right hand ng ikalawang lalaki ay putol. Parang kapuputol pa lang dahil mayroon pa itong tapal na puting tela. Kaya kapag itinaas niya ang kamay, mukhang nagdi-dirty finger siya. Ang lalaking putol ang nagsalita: “Sir, hindi ako nagdi-dirty finger, isinesenyas  ko sa iyo na may baboy kang makakasalubong sa direksiyong itinuturo ko.”

BABOY

BIGLANG

BUMANGGA

BUTI

HABANG

HINAHABOL

HINILA

IBABALING

IPINAKITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with