^

Punto Mo

Lampong (373)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG handbag ang dala ni Jinky. Nasa loob niyon ang beltbag na kanyang nakita sa sapa. Kasyang-kasya sa handbag ang beltbag at walang makakapansin niyon. Kung sa plastic bag lang niya ilalagay ay maaaring makita ni Mulong at Tina.

Bago lumabas ng kuwarto ay sinipat ni Jinky ang sarili sa salamin. Bagay na bagay sa kanya ang suot --- shorts na maong at jacket. Sexy pa rin siya. Maganda ang hubog ng mga hita at malulusog ang suso. Mapagkakamalan pa ring dalaga.  Hindi halatang mayroon na siyang dalagitang anak.

Lumabas na siya ng kuwarto. Nagdaan muna siya kay Tina sa ground floor. Mayroong opisina si Tina roon. Si Tina ang namamahala sa sales. Sa kanya may nagbabayad at nag-oorder ng itik at itlog. Mapagkakatiwalaan si Tina pagdating sa pera. Masinop na masinop ito. Mula nang si Tina ang humawak ng pera ng itikan, maayos na maayos ang pananalapi.

May ginagawa si Tina sa laptop nang pumasok siya.

“Hi Tina!”

“Mam Jinky!”

“Aalis lang ako, Tina.”

“Saan ka pupunta Mam?”

“Sa Socorro.’’

“Hindi na kita sasamahan, Mam,” dati ay sumasama si Tina sa pamamalengke.

“Hindi na. Saglit lang ako roon.’’

“Ipahahatid kita ng traysikel kay Mulong, Mam.”

“Huwag na! Sa labasan naman ay may naka­abang na traysikel.’’

“Sige Mam, ingat!”

Lumabas na si Jinky.

Nagdaan din siya sa ka­malig na imbakan ng itlog. Magpapaalam siya kay Mulong.

Nakita niya si Mulong na abala sa pagbibilang ng mga kahon na may lamang itlog. For delivery na marahil ang mga iyon.

Tumigil si Mulong sa gina­gawa nang makita ang paglapit ni Jinky.

“Hi, Mulong. Pupunta ako sa Socorro.’’

“Ihahatid ba kita Mam Jinky?”

“Huwag na. Kaya ko na. Saglit lang ako sa Socorro.’’

“A e sige po. Ingat ka Mam Jinky,” sabi ni Mulong at napagmasdan ang handbag ni Jinky. Parang namumutok iyon. Binawi niya ang tingin nang magsalita si Jinky.

“May alam ka bang Musnit Street sa Socorro, Mulong?’’

Hindi agad nakasagot si Mulong. Nag-isip. Wala siyang­ alam na ganoong street sa Socorro.

“Wala po akong alam, Mam.’’

“A okey. Sige, aalis na ako.’’

Umalis na si Jinky.

(Itutuloy)

 

HI TINA

HUWAG

JINKY

LUMABAS

MAM

MAM JINKY

MULONG

SOCORRO

TINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with