Nasaan ang Diyos?
DALAWANG lalaki ang anak ni Melba na pulos problema at kahihiyan ang ibinibigay sa kanilang pamilya. Basta’ t may nakawang nangyari sa kanilang barangay, tiyak na ng mga tao na ang magkapatid ang may kagagawan. Sa sobrang kahihiyan sa mga ka-barangay, minsan ay nahihiling niya sa Diyos na sana ay mawala na lang siya na parang bula. Biyuda na si Melba kaya humingi siya ng tulong sa kakilalang pari na pangaralan ang kanyang mga anak. Naging inspirasyon niya si Santa Monica na ina ni San Agustin. Bago maging santo si San Agustin, siya ay isang lasenggo, palaaway at sugarol. Minsan ay nakiusap si Monica sa isang pari na pangaralan ang anak nitong si Agustin. Sa pagtitiyaga ng pari, napagbago niya si Agustin hanggang sa maging santo.
Hindi naman pinapangarap ni Melba na maging santo ang dalawang anak. Sapat na sa kanyang tumino ang mga anak. Ang second option niya, kung wa epek pa rin ang pangaral ng pari, pakikiusapan niya ang mister ng kanyang kumare na isang pulis. Baka sakaling matakot sa pulis at piliting baguhin ang kanilang masasamang ginagawa.
Pinapunta ni Melba ang dalawang anak sa pari. Lingid kay Melba, nagmatigas ang panganay at hindi nagpakita sa pari. Si Bunso lang na 10 taong gulang ang nagpunta sa pari. Nang magkaharap ang dalawa, ang unang tanong ng pari ay “Nasaan ang Diyos?â€
Tahimik si Bunso. Inulit ng pari ang tanong, this time, matigas na ang boses ng pari, medyo naaasar. “Nasaan ang Diyos?†Wala pa ring sagot. Kaya su-migaw na ang pari: NASAAN ANG DIYOS? Natakot si Bunso at nagtatakbo patungo sa pinagtataguan ng kuya. Nanginginig itong nagkuwento, “Anak ng pucha si Father, hinahanap sa akin ang Diyos! Ano bang malay ko kung sino ang kumidnap sa kanya! Magnanakaw pa lang tayo pero hindi pa kidnaper.â€
“Alam ko na, magtago na lang muna tayo sa kabilang barangay,†suggestion ng panganay.
Naglalakad ang dalawa nang nakita sila ng pulis na pinakiusapan ni Melba. Sinutsutan nito ang dalawa. Nang akmang tatakbo ay hinabol sila at dinakma ng pulis. Bago makapagsalita ang pulis ay lumuhod ang magkapatid sa harapan nito at nagmakaawa.
“Inaamin naming magnanakaw kami. Pero Sir, hindi kami ang kumidnap sa nawawalang Diyos.â€
- Latest