Lampong (371)
N AISIP ni Dick, aabalahin na lang niya ang sarili dito sa Maynila at saka na lang siya uuwi sa Socorro. Wala pa siyang mukhang ihaharap kay Jinky pagkaraan ng mga nangyari sa kanila.
Hanggang sa muling magbigay sa kanya ng isipin ang nangyayari sa kanya. Bakit siya nagkaganito? Bakit sa gitna ng laban ay ‘‘lumulungayngay’’ ang sandata niya? Hindi pa naman siya matanda. Wala siyang sakit. Ang alam niyang nagkakaron ng erectile dysfunction ay yung may sakit na diabetes. Kasi raw, base sa nabasa niya sa internet, hindi na dumadaloy ang dugo sa ‘‘ari’’ kaya hindi na sumasaludo. Pero siya, wala siyang sakit. Wala ring bisyo at alagang-alaga ang katawan. Bakit siya nagkaganito? Ilang beses na siyang pinahiya kay Jinky nitong alaga niya at noong nakaraang linggo, ipinahiya siya sa star dancer ng Ms. University na si Zen. Kakahiya dahil nagyabang pa siya kay Zen bago ang kanilang sagupaan sa cubicle ng Ms. University. Okey naman sa simula dahil mahusay ‘‘maglinis ng tubo’’ si Zen. Certified tubera pala ang baÂbaing iyon. Pero nang nasa kaÂinitan na ang paghahamok ay biglang nawalan ng lakas ang sundalo at lumungayngay na. Takang-taka si Zen dahil ang matikas na sundalo ay parang sasabunging manok na natalo ng kalaban at agad lumungayÂngay. Kakahiya kay Zen.
Napabuntunghininga si Dick. Ano kaya ang magandang gamot sa panglulungayÂngay? Sinubukan na niya ang fresh talaba pero wa epek. KaÂÂlahating sako ang naubos niyang talaba pero walang epekto. Lungayngay pa rin.
Tigilan na kaya niya ang pagkakape? Nabasa niya ang kape raw ay nakakapagluÂngayngay kung sobra ang pag-inom. Pero hindi naman siya sobrang magkape.
Hindi kaya dahil nasugatan siya noong makipaglaban sa hayop na si Pac. Nasugatan siya sa may tagiliran. Marami siyang ininom na antibiotic noon. Hindi kaya dahil doon?
Kung anu-ano pa ang naÂisip ni Dick na maaaring dahilan ng kanyang pangluluÂngayngay. Pero ang mga iyon ay mahirap mapatunayan.
Hanggang sa dalawin siya ng antok.
Kinabukasan, maaga siyang nagising, mayroon siyang meeting sa may-ari ng bagong bukas na mall. Pag-uusapan nila ang pagsusuplay ng dumalagang itik sa food court ng mall.
Sa isang Chinese resÂtaurant sa Ongpin sila nag-meet. Isang Tsinoy ang may-ari ng mall pero hindi halatang mayaman.
“Balitang-balita dito sa Ongpin ang itik mo Dick. Yung Peking Duck na paboÂrito rito, wala nang pumapansin. Makunat na raw ang balat. Yung itik mo, suwabe ang lambot at sarap. Pati buto raw ay hinihimod ng customer.’’
Nagtawa si Dick.
“Iyon ang sekreto ko, Mr. Jorge, he-he!’’
“Suplayan mo ang food court ko, Dick. Kahit magkano babayaran kita. Marami ang kailangan ko.’’
“Sige pag-iisipan ko, Mr. Jorge.’’
“Huwag mo nang pag-isipan. Bukas, isapinal na natin ang usapan. Kailangan ko na ang mga itik mo.’’
“Sige bukas, ipinal na natin,’’ sabi ni Dick.
Tuwang-tuwa si Mr. Jorge.
(Itutuloy)
- Latest