^

Punto Mo

Magic words

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Sir Winston Churchill ay tatlong taon sa eighth grade dahil lagi siyang bumabagsak sa English. Magkaganoon pa man ay hindi siya tinamad sa pag-aaral. Tuluy-tuloy lang siya sa pag-aaral. Ni minsan ay hindi naisipang huminto sa pag-aaral. Bukod dito may isa pa siyang problema sa pagsasalita: utal daw siya, pero nang magtagal ay hindi pala siya utal kundi nahihirapang bumigkas ng letter S o kung tawagin ay ‘lisp’. Siguro kung ibang bata ang nakaranas ng ganitong kapintasan ay nag-iyak na lang at huminto na ng pag-aaral.

Pagkalipas ng maraming taon, inimbitahan siya ng Oxford University para magbigay ng speech sa mga magtatapos na estudyante. Matapos ang mahabang pagpapakilala sa kanya ng emcee ng programa ay tumayo siya sa podium. Sinalubong siya ng masigabong palakpakan ng mga magsisipagtapos na estud­yante. Sino ba naman ang hindi matutuwa sa accomplishments ng kanilang panauhin: naging Prime Minister ng United Kingdom ng dalawang beses (1940-45; 1951-55); statesman and orator­; officer sa British army; historian, writer, artist, Nobel Prize winner at kinilala bilang Honorary Citizen of the United States.

Nang tumahimik ang paligid ay nag-umpisang magsalita si Churchill. Dumagundong ang kanyang boses sa apat na sulok ng hall nang bigkasin niya ang: NEVER GIVE UP!

Ilang segundong nanahimik ang buong paligid. Muling nagsalita si Churchill at sa pagkakataong ito ay mas malakas, mas may makapangyarihan: NEVER GIVE UP! Iyon lang at ngumiti sa audience si Churchill, unti-unting tumalikod at nagpaalam sa lahat.

Ang tatlong salitang binigkas niya ang nagsilbing magic para maabot niya ang lahat ng accomplishments na inisa-isa kanina ng emcee noong siya ay ipinakilala. So next time, NEVER GIVE UP!

BUKOD

DUMAGUNDONG

HONORARY CITIZEN OF THE UNITED STATES

NOBEL PRIZE

OXFORD UNIVERSITY

PRIME MINISTER

SIR WINSTON CHURCHILL

SIYA

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with