Tanggalin na ang bus sa Metro Manila
NAPATUNAYAN na talagang isa sa nagpapalubha ng problema sa trapiko ay ang mga bus. Nang ipagbawal ang mga ito sa Maynila, biglang lumuwag ang mga pangunahing lansangan.
Nasa tamang direksiyon ang kampanya nina Manila Mayor Joseph Estrada at Vice Mayor Isko Moreno na pagbawalan na makapasok ang mga bus na walang terminal sa Maynila. Ang provincial buses na may terminal ay puwedeng pumasok sa Maynila subalit hindi puwedeng magbaba’t magsakay sa kung saan lang.
Malaki ang epekto ng mga bus sa trapik kapag walang diÂsiplina ang drayber dahil sinasakop ang mga kalye. Panahon na para alisin na ang mga bus sa buong Metro Manila lalo na sa EDSA na nagpapasikip sa trapiko.
Ipaubaya na lamang sa mga UV express at jeepney ang magbigay ng serbisyo sa mga pasahero habang ang mga provincial buses ay puwedeng makapasok pero deretso sa kanilang terÂminal. Hindi akma ang mga pampasaherong bus sa Metro Manila dahil makikipot ang mga kalye bukod pa sa walang disiplina ang bus drivers. Madaliin ng gobyerno ang pagpapabuti sa mass transportation tulad ng LRT at MRT na tutugon sa pangangailangan ng mga commuters.
Bukod sa pag aalis ng bus, limitahan na rin ang mga pampasaherong jeepney. Sana ituloy ng LTFRB ang planong tanggalin na ang mga lumang jeepney na kakarag-karag na sagabal din sa trapiko.
Kadalasang katwiran ng mga drayber ng jeepney, taxi at bus na kapag sila ay nakabangga, nawalan daw ng preno pero ang totoo sila ay hindi nag-iingat sa pagmamaneho kaya nangyari ang aksidente. Kailangang igarahe nang tuluyan ang mga lumang bus, jeepney at taxi. Taun-taon, dumadami ang mga sasakyan subalit hindi naman lumalawak ang mga kalsada kaya lalong sumisikip ang trapiko.
Hindi ito dapat ituring na diskriminasyon sa mga may ari ng mga lumang sasakyan. Kailangan lang talaga na malutas ang problema sa trapiko na nakakaapekto rin sa ekonomiya ng bansa at pang-araw araw na pamumuhay lalo na sa Metro Manila.
- Latest