^

Punto Mo

Cell phone maaaring i-recharge ng kuryenteng nanggaling sa ihi

- Arnel Medina - Pang-masa

HINDI lamang mula sa waterfalls manggagaling ang kuryente kundi pati na rin sa ihi. At kapag nagtagumpay ito, ang unang makikinabang ay ang mga may cell phone sapagkat dito unang susubukan ang unang urine powered electricity generator.

Sabi ni Dr. Ioannis Ieropoulos  ng University of Bristol sa England, kapag nagtagumpay ang research, ito ang magiging kauna-unahan sa kasaysayan.

Ayon kay Ieropoulos, kapag nakapag-generate ng kur­yente mula sa ihi, maaari itong gamitin para i-recharge ang cell phone. Habang nire-recharged, puwede ring tumawag, mag-text o kaya’y mag-browse sa internet.

Ipinaliwanag ni Ieropoulos ang sistema: Dadaan umano ang ihi sa microbial fuel cells kung saan imi-metabolized ito ng microorganisms at makakalikha na ng kuryente.

“Ito ay isang exciting na discovery. Kauna-unahan sa mundo na ang waste product ay pagkukunan ng source of power para makalikha ng elektri­sidad.”

AYON

DADAAN

DR. IOANNIS IEROPOULOS

HABANG

IEROPOULOS

IPINALIWANAG

KAUNA

UNIVERSITY OF BRISTOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with