Amerikano, natagpuang walang malay sa motel, nang magising nagsasalita na ng Swedish
WALANG sakit ang 61-anyos na si Michael Boatwright, isang American. Sa katunayan ay malusog na malusog siya at mahilig sa sports. Paborito niyang maglaro ng tennis. Nagtaka ang mga doktor nang matagpuan itong walang malay sa isang tinutuluyang motel sa California. Nang magkamalay ibang lingguwahe na ang sinasabi – sa halip na English, Swedish.
Ayon sa report, nagtungo sa California si Boatwright para dumalo sa isang tennis tournament. Nag-stay siya sa isang motel.
Pero nagulat ang mga staff ng motel nang matagpuang walang malay si Boatwright. Agad siyang dinala ng medics sa isang malapit na ospital.
Nang magkamalay, nagtaka ang mga doctor sapagkat sa halip na English ay Swedish ang sinasalita nito. Kapag tinatanong ng mga doctor sa wikang English ay matatas na Swedish ang isinasagot.
Ang nakapagtataka pa ayon sa mga doktor, walang maÂalala si Boatwright sa kanyang nakaraan. Hindi niya maalala kung sino siya.
Agad gumawa ng paraan ang awtoridad kung paano makokontak ang mga kaanak ni Boatwright pero bigo sila. Walang makapagsabi kung nasaan ang mga kaanak ng 61-anyos na lalaki.
Sabi ni Boatwright, nalulungkot daw siya at nalilito sa nangyayari sa kanyang buhay. Hindi raw niya alam kung ano ang nangyayari. Wala raw siyang matandaang sitwasyon. Wala raw siyang kakilala. Wala siyang matandaan sa nakaraan niya. (unexplained-mysteries.com)
- Latest