^

Punto Mo

Lampong (353)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO tuluy-tuloy sa pag­lalakad ang taong naki­ta ni Mulong. Napakabilis maglakad. Nagtataka si Mulong kung saan nanggaling ang lalaki dahil bigla na lamang sumulpot. Hindi kaya matagal na siyang pinagma­masdan ng lalaki at nang matunugan na makikita siya ni Mulong ay dali-dali itong umalis.

Natigilan si Mulong. Parang ang lalaking iyon ang lalaking nakita nila ni Dick noon. Kahit nakatalikod ang lalaki, hindi maipagkakaila sapagkat malapad ang likod.

Mabilis na hinabol ni Mulong ang lalaki. Kailangang maabot niya ito at kumprontahin. Kung lalaban, mapipilitan siyang lumaban para maipagtanggol ang sarili. Hin­di naman niya uurungan ang lalaki. Gagawin niya ang lahat para ito matalo. Hindi siya natatakot.

Binilisan pa ni Mulong ang takbo hanggan sa makarating siya sa sapa. Maraming damo at puno sa tabing sapa. Pantay tao ang mga damo na kapag nagtago ang isang tao o maski hayop ay hindi makikita.

Biglang nawala ang tao! Saan nagpunta? Sobrang bilis naman kung nakatawid agad sa kabilang sapa.

Binaybay ni Mulong ang pampang ng sapa. Maingat na maingat ang paghakbang niya. Pinakikinggan niya ang bawat kaluskos. Malakas ang kutob niya na naririto pa at nagkukubli pa rin ang misteryosong lalaki. Ang ilalim ng mga malalagong damo ay sinisipat ni Mulong at baka nakaupo lamang doon ang la-laki. Pero wala siyang makita.

Nagpatuloy siya sa pagla-lakad sa pampang. Bulong ni Mulong sa sarili,. kapag nakita niya ang lalaki, matitikman nito ang lupit ng kanyang kamao. Malulutas na rin ang matagal nilang problema ni Dick. Sakaling mahuli niya ang lalaki, may maganda siyang maiba-balita kay Dick at kay Jinky.

Nagpatuloy pa siya sa pag­lalakad. Pinagmamasadan na­ man niya ang Kristal na tubig ng sapa. Kung tumawid ang lalaki, tiyak na lalabo ang tubig. Pero wala siyang makitang paglabo ng tubig. Malinaw na malinaw ito. Kaya nga matibay ang hinala niya na narito pa ang lalaki at nagtatago lamang sa makapal na damo.

Nang mapansin niya na may gumagalaw sa pantay-taong damuhan sa di-kalayuan. Umuuga ang damo. Maaaring doon nagkukubli ang lalaki.

Tinungo niya ang damo. Marahan na marahan ang pag­hakbang niya. Hindi siya dapat maramdaman ng lalaki.

Huli ka ngayon!

(Itutuloy)

BIGLANG

BINAYBAY

BINILISAN

LALAKI

MULONG

NAGPATULOY

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with