Ugali ng tao
Ugali ng tao’y mahirap baguhin
Lalo’t nahirati sa gawing magaling
Ang ugaling ito’y marapat tanggapin
Sa lahat ng dako nitong bayan natin!
Ang dapat magbago’y masamang ugali
Nang maraming taong utak ay pusali;
Palibhasa sila’y walang atubili
Gumawa nang lahat na hindi mabuti!
Marami sa ngayon ang taong ganito
Kahi’t nagsisimba ay asal demonyo;
Laging nakangiti kong nasa harap mo
Pero naninira kapag napalayo!
Sa lahat nang panig nitong ating bayan
Masamang ugali siyang umiiral;
Mayaman at dukha’y hindi mapalagay
Pagka’t ang demonyo ang nakakubabang!
- Latest