^

Punto Mo

Huling Habilin

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MASIPAG maghanapbuhay si Delfin. Ito ‘yung sipag na halos patayin ang katawan sa pagtatrabaho. Sa umaga ay aasikasuhin niya ang malawak na taniman ng bawang at kamatis. Sa hapon naman ay pupunta siya sa palengke upang maningil ng kanyang 5-6. Ang kanyang misis na si Azon ay sa bahay lang at nag-aasikaso ng kanilang mga anak.

Lingid kay Delfin, may malaking hinanakit si Azon sa kanya. Kuripot at madamot si Delfin sa asawa at anak. Ang malaking pera na kinikita niya ay itinatago niya sa wooden box na nakatago sa cabinet. Wala siyang tiwala sa banking system. Binibigyan lang niya ng pang-araw-araw na gastusin si Azon at mga anak. May diabetes si Delfin at nararamdaman niya ang panghihina sa pagdaan ng  mga araw. Kahit payuhan ni Azon na magpadoktor ito, naku, ipinagpipilitan pa rin nito na mas magaling ang mga albularyo kaysa doktor.

Isang araw ay kinausap nang masinsinan ni Delfin si Azon. Isumpa mo sa akin, kapag namatay ako ay isasama mo sa aking kabaong ang 50 percent ng aking naipon. Ang 50 percent ay para sa inyong mag-iina. Tandaan mo, may pamahiin na mamalasin ka kapag hindi mo sinunod ang huling habilin ng namatay. Ikaw din.

Dumating ang panahon na binawian ng buhay si Delfin. Ang kanyang huling habilin ay hindi kaila sa kanyang mga kabigan. Sa libing, naghihintay ang lahat kung ano ang gagawin ni Azon. Hindi nagtagal, sinenyasan nito ang undertakers na buksan ang kabaong. May inilagay itong isang maliit na kahon. Naintindihan ng mga tao na iyon ang pera ni Delfin na isasama sa hukay.

Pagkatapos ng libing ay lihim na kinausap si Azon ng kanyang best friend. “Talagang tinupad mo ang kanyang huling habilin?”

“Of course. Kailangan kong tuparin ang aking pangako. Pero tseke na lang ang inilagay ko sa kanyang kabaong. Ang lahat ng naiwan niyang cash ay nasa banko sa aking pangalan.”

 

AZON

BINIBIGYAN

DELFIN

DUMATING

IKAW

ISANG

ISUMPA

KAHIT

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with