50 awesome household tips
41) Magsindi ng kandila habang naggagayat ng sibuyas upang hindi mapaluha.
42) Nakakapagpaputi ng puwet ng kaldero ang ashes mula sa uling. Gamit ang sponge, iaplay ang ashes na parang deÂtergent soap.
43) Ispreyan ng perfume ang bulb na hindi pa binubuksan upang magsabog ng bango ito kapag binuksan na. Huwag mag-iisprey ng perfume kapag nakabukas ang bulb at mainit na.
44) Ispreyan ng fabric conditioner ang dresser drawer upang manatili ang amoy bagong laba ng mga damit.
45) Magtatagal ang kandila kung ilalagay muna ito sa freezer ng tatlong oras bago sindihan. Mainam na gawin ito sa November 1.
46) Sa paglilinis ng artificial flower na yari sa tela: Kumuha ng paper bag. Lagyan ng isang dakot na magaspang na asin. Ilagay ang artificial flower. Kalugin ang paper bag. Asin ang tutulong para matanggal ang alikabok ng flower.
47) Para madaling tanggalin ang tutong ng kawali, lagyan ito ng tubig at dishwashing liquid. Pakuluan. Palamigin at saka linisin.
48) Upang hindi humawa sa Tupperware ang kulay ng tomato based sauces, ispreyan muna o pahiran ng cooking oil ang loob ng Tupperware bago isalin ang sauce.
49) Para tumigil ang pagkati ng kagat ng lamok, sabunin ang area na nakagat at hugasan ng tubig.
50) Pahiran ng white toothpaste ang kagat ng lamok upang hindi mangati.
- Latest