50 awesome household tips
34) Kapag nagkatas ng fresh pineapple sa juicer, natitira ang pulp nito. Huwag itapon. Ihalo sa hilaw na malalaking pusit bilang pampalambot at hayaang nakababad ito sa buong magdamag. Kinabukasan, hugasan ang pusit para matanggal ang pulp. Lutuin sa paraang nais.
35) Ang pinaka-epektibong paraan para matanggal ang warts sa katawan ay pagkain na mayaman sa vitamin A. Ang ilan sa pagkaing mayaman sa vitamin A ay pork/beef/chicken liver, cayenne pepper, sili, camote, carrots, dark leafy vegetables, melon, squash. Or, vitamin A supplement.
36) Kapag magtatahi ng natastas na tahi sa pantalon, mas matibay kung gagamitin ang pinakamanipis na nylon thread kaysa ordinary thread. Kung ang tatahiin naman ay natanggal na butones, ang ipantahi ay dental floss dahil mas matibay din ito kaysa ordinary thread.
37) Takpan ng diyaryo ang upuan ng kotse bago iparada sa walang bubong na parking area upang hindi ito mag-init.
38) Gumawa ng sariling windshield washer fluid: Paghaluin ang one quart of rubbing alcohol, one cup of water and two tablespoons of liquid dish soap.
39) Para matanggal ang pamamaga ng mata dulot ng pag-iiyak o puyat: Ilagay ang dalawang silver spoon sa freezer ng 5 minutes. Kunin ang dalawang kutsara at idampi ang likod nito sa dalawang mata. Hayaang malamigan ang mata. Tanggalin ang kutsara kapag wala nang lamig. Kung malaki ang iyong mata, gamitin ang kutsara. Kung maliit, kutsarita ang gamitin.
40) Kung walang magamit na shampoo pero may itlog sa ref: Batihin ang 2 o 3 itlog at imasahe sa buhok at anit. Banlawan. Gumamit ng homemade conditioner na nagpapakintab ng buhok: Paghaluin ang 3 tablespoons vinegar + 1 liter water. Kung may baby oil na mabango, haluan ang conditioner ng 3 drops para bumango. (Itutuloy)
- Latest