^

Punto Mo

Mga lasenggo, paboritong kagatin ng lamok?

- Arnel Medina - Pang-masa

USO na naman ang sakit na dengue na hatid ng mga lamok. Karaniwang biktima ng dengue ay mga bata. Pero alam n’yo bang namimili rin ang mga lamok ng kanilang kakagatin. Hindi sila basta-basta kumakagat at mayroon ding pinipiling biktimahin. May mga tao na ayaw kagatin ng lamok.

Sa isang pag-aaral na ginawa, napag-alaman na hindi lahat nang mga tao na nag-camping sa isang lugar na maraming lamok ay kinagat. Isa-isang tiningnan ang mga braso at binti ng mga nag-camping at nakita ang mga mapupulang pantal. Pero maniniwala ba kayong mayroong nag-camping na wala man lang pantal o kagat ng lamok. Parang iniwasan ang balat gayung ang katabi sa pagtulog ay pinutakti ng kagat.

Hindi malaman kung ano ang dahilan at mayroong mga tao na iniiwasang kagatin ng mga lamok.

Isang tinitingnang dahilan ay ang blood type. Halimbawa ay ang Type O na umano’y paborito ng mga lamok dahil sa amount ng carbon dioxide. Isang dahilan ay ang kulay ng damit. Mas makulay ang damit ay gusto ng lamok. Dahilan din ang bacteria na nasa skin kaya gustong kagatin ng lamok.

Pero ang isang kagila-gilalas na nalaman, mas paborito ng mga lamok na kagatin ang mga alcoholic o lasenggo. Kapag daw maraming alcohol sa dugo, mas pinupupog ng lamok. Kaya delikado ang mga lasenggo na magkaroon ng dengue dahil paborito sila ng mga lamok.

 

vuukle comment

DAHILAN

HALIMBAWA

ISA

ISANG

KAPAG

KARANIWANG

LAMOK

PERO

TYPE O

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with