Lampong (347)
“G OOD morning Mam Jinky,†bati ni Mulong. Bumati rin si Tina.
“Good morning sa inyo. Mukhang sarap na sarap kayo sa pinag-uusapan.’’
“Oo nga Mam. Ayaw kaÂsing maniwala ni Tina na maganda siya, he-he-he!â€
“Hoy Romulo ang bibig mo, nakakahiya kay Mam.â€
Nagtawa si Jinky.
“Bakit ayaw mong maniwala na maganda ka, Jinky? Maganda ka naman talaga ah?â€
“Nagbibiro lang ‘yan, Mam. Wala kasing ibang mabiro kaya ako ang pinagti-tripan.â€
“Hayaan mo nang pagtripan ka at okey naman ang sinasabi sa iyo. Magalit ka kay Mulong kapag sinabihan kang ngitpa. Di ba, Tina?â€
Nagtawa si Tina.
“Sige po Mam, maniniwala na ako sa sinabi ni Mulong, he-he-he!â€
“Ganyan nga, Tina. Malay mo may ibig palang sabihin si Mulong kaya nasabi iyon.â€
Napatingin si Mulong kay Tina. Nagkatitigan sila.
“O kita n’yo at nagkatiÂtigan pa kayo ngayon, he-he!â€
Binawi ng dalawa ang pagkakakatingin sa isa’t isa.
“Siyanga pala, Mulong, kumusta ang mga bagong pisa nating itik. Wala bang namatay?â€
“Wala po Mam. Yung limandaang napisa ay buhay lahat.’’
“Walang namatay?â€
“Opo Mam. Mahusay ang sistema ni Dick. Sinunod niya ang mga tinuro sa seminar. Kaya po marami na naman tayong aalagaan. Siguro po dapat nang bilhin ang kaÂtabing lupa para doon na natin pakakawalan ang mga bagong itik.’’
“Hayaan mo at pag-iisipan ang mungkahi mo.’’
“Talaga pong hindi mapigilan ang paglaki ng negosyo n’yo. Hanga kami ni Tina.â€
“Salamat sa inyo. Siyanga pala gusto kong makita ang mga dumalagang itik.â€
“Nasa malapit po sa may ilog ang kulungan ng mga iyon. Yun po yata ang iluluwas para sa “INASALITIKâ€. Talagang piling-pili po ang mga dumalaga.’’
“Pupunta ako ngayon doon. Bibisitahin ko. Gusto ko ring makita ang ilog.â€
“Sasamahan pa kita Mam Jinky?â€
“Huwag na!â€
“Pero ang sabi po ni Sir Dick ay lagi kitang bantayan.’’
“Kaya ko na. Malapit lang naman dito ang ilog. Babalik agad ako.’’
“Kasi’y nag-aalala rin po ako dahil dun sa lalaÂking “misyteryoso†na laging nakasubaybay…â€
“Sinong lalaki?’’
“’Yun pong lalaki na maÂdalas naming makita sa bayan. Napapansin namin ni Sir Dick na laging nakatingin at parang pinag-aaralan ang aming kilos.â€
“Hanggang ngayon ba?â€
“Mga isang linggo ang nakararaan, nakita ko siya sa Socorro. Bumibili ako sa palengke nang makita siya. Pero biglang nawala.â€
“Siya rin ba yung lalaking nakita namin sa aming kasal nun? Yung guwapo at mga 24 years old?â€
“Opo! Yun nga po ayon kay Dir Dick.â€
Nag-isip si Jinky.
“Di bale pupunta pa rin ako sa ilog at titingnan ang mga dumalaga. Sandali lang ako.â€
(Itutuloy)
- Latest