EDITORYAL - Huwag nang tulungan mga masasangkot sa illegal na droga
NANG bitayin sa China ang tatlong Pinoy “drug mules†noong Marso 30, 2011, naging abala ang pamahalaan para maisalba ang kanilang buhay. Pinadala pa si Vice President Jejomar Binay para makiusap sa pinuno ng China. Pero hindi pinakinggan ang apela ng Pilipinas. Itinuloy din ang pagbitay.
Isang linggo na ang nakararaan, isang Pinay “drug mule†ang binitay uli sa China. Labingwalong beses nagpabalik-balik sa China ang Pinay. Sa ika-18 beses siya nahuli. Anim na kilo ng heroine ang nakuha sa kanya noong Enero 2011. Kasama niya ang pinsang lalaki nang mahuli. Gaya nang ginawa noong 2011, muli na namang gumawa ng hakbang ang pamahalaan para mapigilan ang pagbitay. Si Binay muli ang makikiusap sa China. Isang sulat mula sa Malacañang ang kanyang dala. Pero hindi na itinuloy ni Binay ang balak. Kung bakit, hindi na nasiwalat. Maaring natunugan na mawawalan lamang ng saysay ang pakiusap.
Ayon sa report, 28 Pinoy pa ang nasa death row sa China. Lahat ay pawang may kinalaman sa pagpapasok ng illegal na droga. Maaaring sa isang taon ay mayroon na namang bibitayin.
Kung mayroong bibitayin na Pinoy “drug mules†huwag nang mag-aksaya ng panahon ang pamahalaan para sila masagip. Napatunayan naman na hindi na pakikinggan ang apela sapagkat ang kasalanan ay mabigat. Hindi lamang ang China ang nagpapataw ng parusang kamatayan sa sinumang sangkot sa illegal drugs. Sa Saudi Arabia at iba pang bansa sa Middle East ay kamatayan din sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo. Walang makapagbabago sa batas nila kapag illegal na droga ang kaso.
Kaysa mag-aksayang makiusap, paigtingin na lang ang pagpapaalala sa mamamayan o mas lalo na sa mga OFW na iwasan ang masangkot sa droga. Paigtingin din ang pagdakma sa mga recruiter ng “drug mulesâ€. Kapag nahuli, bulukin sila sa kulungan.
- Latest