^

Punto Mo

Bakit nagkakaroon ng ‘B.O.’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

•Hindi masyadong tinutuyo ang katawan pagkatapos maligo. Ito ang isa sa maraming sanhi ng “Body Odor”. Tuyuing mabuti ang katawan lalo na ang mga pagitan ng breasts, singit, kili-kili at paa.

•Mahilig sa mga pagkaing maraming bawang, curry powder at sili. Iwasang kumain ng mga ito isang oras bago makipag-date. Lumalabas sa katawan ang amoy ng mga spices isang oras matapos kumain. Ngumuya ng fresh parsley at chewing gum pagkatapos kumain.

•Ngipin lang ang sinisepilyo. Nakakatulong ang mouthwash pero mahalaga pa rin sepilyuhin ang dila. Mas mainam na may chlorine dioxide ang toothpaste.

•Laging stress.  Mas stress, mas nagiging pawisin ang katawan.

•Nakanganga ang bibig habang natutulog kaya natutuyo at nagiging dahilan ng mabahong “morning breath”.

•Mabilis pa sa kidlat kung kumain at mahilig gumamit ng straw sa inumin. Ang resulta ay palagiang pagdighay at pag-utot.

•Deodorant lang ang ginagamit. Dapat ay parehong deodorant at anti­perspirant.

•Maraming balakubak. Gumamit ng shampoo na may zinc pyrithione.

•May monthly period. Gumamit ng extra strength underarm deodorant and antiperspirant. Dalasan ang pagpapalit ng napkin.

•Adik sa chewing gum. Ang madalas na pagnguya ay nagiging dahilan ng mahanging tiyan na nagiging sanhi ng pag-utot at pagdighay na may kasamang mabantot na hininga.

•Hindi nagpapalit ng bra.

•May heartburn na nagiging sanhi ng paglabas ng “panis” ng hininga.

•Nagda-diet ka at binawasan mo ang pagkain na mayaman sa carbo­hydrates kagaya ng kanin at tinapay. Kapag kulang ka na sa carbohydrates, b­igla mong ilalabas ang iyong reserbadong taba sa katawan. Paglabas sa katawan­, ito ay magbibigay sa hininga nang hindi magandang amoy. Ang ideal na dami ng carbohydrates na dapat kainin araw-araw ay 130 grams.

ADIK

BODY ODOR

DALASAN

DAPAT

GUMAMIT

IUML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with