^

Punto Mo

EDITORYAL - Pilipinas o Filipinas?

Pang-masa

ISINUSULONG ng Komisyon ng Wikang Filipino ang pagpapalit sa Pilipinas para gawing Filipinas. Pero kakaunti ang pumapabor na baguhin pa ang pa­ngalan. Sa survey kahapon ng TV program “Umagang Kay Ganda”, lumabas na 11% lamang ang gustong baguhin ang pangalan ng bansa at 89% ang tutol. Huwag na raw pagtuunan ng pansin ang isyung ito at harapin na lang mga kasalukuyang problema ng bansa. Maganda naman daw ang Pilipinas kaya huwag nang baguhin. Maaari raw malito pa ang mga batang mag-aaral kung papalitan pa. Marami raw apektado kapag pinalitan ng “F” ang “P”. May nagsabi na kapag napalitan ng Filipinas ay magiging “Finoy” ang mga tao.

Maganda naman ang layunin ng Komisyon kaya isinusulong nila ang  pagpapalit ng pangalan. Ito raw kasing “Filipinas” ang talagang orihinal na pangalan ng bansa kaya ito ang nararapat. Nadagdagan na rin ang alpabetong Filipino at naisama na ang titik “F” at “V”. Sabi naman ng tagapangulo ng Komisyon na si National Artist Virgilio Almario, kapag pinalitan ang pangalan ng Pilipinas wala namang babaguhin sa mga dati nang pangalan o titulo. Halimbawa ang University of the Philippines ay iyon pa rin ang pangalan.

Sa survey ng Yahoo.com kahapon, marami ring hindi pumapabor sa pagpapalit ng pangalan ng bansa. Sa survery tinanong ng Yahoo kung ano ang prefer na pangalan: Philippines, Pilipinas o Filipinas. Mas marami ang nagsabing Philippines, 71%; Pilipinas, 20 at Filipinas, 9%.

Para sa amin, tama na ang kasalukuyang pangalan ng bansa. Sapat na ito. Ang nararapat na lang ay pasiglahin ng Komisyon ang pagpapalawak pa sa paggamit ng Filipino. Magkaroon sana ng mga paligsahan sa pagsulat, pagsasalita at pagkanta gamit ang wikang Filipino. Sa aming palagay, makakahikayat ito para magkaroon ng alab ang mga kabataan sa pagmamahal sa sariling wika at pagiging Pilipino.

vuukle comment

FILIPINAS

KOMISYON

MAGANDA

NATIONAL ARTIST VIRGILIO ALMARIO

PANGALAN

PILIPINAS

UMAGANG KAY GANDA

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

WIKANG FILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with