^

Punto Mo

‘Tagisan ng gulangan (?)’

- Tony Calvento - Pang-masa

KAPAG nagtagpo ang dalawang taong sobrang galing utakan ang kahihinatnan.

Nag-iingay, nagdadabog at palaging nag-iinuman kasama ang mga barkada. Ganito umano kung mambuwisit ang dating pulis na si Nelson Miguillan sa isang ‘taxi driver’ na si Michael Cuizon o Mike, 45 taong gulang, nakatira sa Quezon City.

“May kakatayin tayo mamaya pare!” sabi umano nina Nelson.

Natakot si Mike sa kanyang narinig. Sa loob loob niya, siya ang pinatutungkulan ng grupo ni Nelson.

“Nagda-drugs pa naman sila. Minsan alas-diyes na ko kung umuwi galing sa trabaho,” wika ni Mike.

Nagsimula ang iringan sa pagitan nina Mike at Nelson nang magpasyang isanla ni Nelson ang pangatlong kwarto ng kanyang bahay.

Taong 2005 nang magkaroon ng nakawan sa dating tinitirhan ni Mike sa Commonwealth, Quezon City.

 â€œMay nakakita sa magnanakaw na labas-masok sa bahay. Nagpapagawa ako nun ng taxi. Agad kong sinampahan ng kaso dahil positibo naman itong nakilala,” kwento ni Mike.

Halagang sampung libong piso ang katumbas ng mga nakuha sa kanya. Nang idemanda niya si Rodolfo Gachuela, ang nakitang pumasok sa kanyang bahay, nagalit umano ang tatay nitong si Romy. Dumating pa sa puntong nagkasagutan sila at pinagtulungan umano siyang bugbugin.

“Pinagbabantaan nila ako na kapag hindi ko iniurong ang demanda papatayin nila ako,” pahayag ni Mike.

Sinampahan niya ng kasong ‘Slight Physical Injuries’ ang mag-ama.

“Pagkaraan, lumabas ang warrant sa Physical Injuries. Yung tungkol sa pagnanakaw hindi ko na inasikaso dahil natatakot ako,” wika ni Mike.

Naghanap ng ibang matitirhan si Mike para makaiwas sa mag-ama. Napadpad siya sa lugar ng kanyang mekaniko sa Batasan, Quezon City at doon niya nakilala si Nelson.                                                                                                                                                                                                                                                                               

“Ang gusto ko kasi malapit sa mekaniko ko dahil laging nasisira ang taxi ko,” kwento ni Mike.

Pinapaupahan ni Nelson ang isa sa kanyang kwarto doon. Inalok niyang kunin yun ni Mike ngunit tumanggi ito.

“Ang gusto ko sana yung sanla-tira. May alam ka ba?” tanong ni Mike.

“Itong sa akin. Isasanla ko sa ‘yo ng Php20,000,” sagot ni Nelson.

Ika-27 ng Marso 2005 binayaran ni Mike ang bente mil. Nagkaroon sila ng kasunduan sa pagsasanla ng kwarto. Ang usapan nila, hanggat hindi ito natutubos ni Nelson ay patuloy na titira doon si Mike. Walang babayarang renta kada buwan.

Makalipas ang tatlong araw naghakot na si Mike ng mga gamit at tinirhan ang kwarto.

Ipinagawa ni Mike ang pinto nito. Noong Mayo 6, 2005… muli siyang nagbigay ng anim na libong piso kay Nelson.

“Nagpadagdag kasi siya. Ang inisip ko kapag hindi ako nagbigay baka hindi niya sagutin ang pagpapagawa ko ng pinto,” pahayag ni Mike.

Naghanap ng ibang taong nagsasanla-tira si Mike para paupahan at magkaroon ng ekstrang kita.

“Inalok niya sa akin ang sala. Gagawin niya daw yung kwarto at isasanla sa akin,” salaysay ni Mike.  

Nagbayad kaagad si Mike ng labing anim na libong piso noong Mayo 19, 2005.

“Makalipas ang ilang buwan isinasanla niya sa akin ang kwarto niya. Php20,000 naman daw yun. Pumayag ako pero sa isang kondisyon, buong bahay na ang nakasanla sa akin,” kwento ni Mike.

Pinaaalis niya si Nelson ngunit ayaw umano nito. Sinabihan niyang umupa na lamang sa iba dahil may bente mil naman. Iginiit ni Nelson na yung kusina ang gagawin niyang kwarto at doon siya titira.

“Kung walang kusina sinong magrerenta? Ang gusto niya yung mag be-bed space lang,” sabi ni Mike.

Mula sa hindi pagkakasundong ito, nagsimula na umanong mambuwisit at magparinig si Nelson.

Habang nanonood ng telebisyon si Mike naririnig niya ang usapan nina Nelson at ng kanyang mga barkadang nag-iinuman. “May kakatayin tayo mamaya pare!” paulit-ulit umano nitong sabi. Nagkatawanan pa ng malakas.

Nang minsan naman silang magtalo, nauwi ito sa suntukan. Ito ang naging dahilan kung bakit umalis si Mike sa lugar na yun. Ikinandado niya ang dalawang kwartong nakasanla sa kanya.

“Bumalik ako sa dati kong bahay at sinampahan ko siya ng Slight Physical Injuries at naghain ng collection of sum of money para makuha ko ang perang ibinigay ko bilang sanla sa kwarto niya,” pahayag ni Mike.

Halagang Php48,000 ang kabuuang binabawi ni Mike kasama ang pagpapagawa niya ng pinto. Nagpadala na din siya ng ‘demand letter’ ngunit hindi naman tumugon si Nelson.

“Sa collection of sum of money isang patawag lang, hindi siya dumating. Ako pa ang nakiusap sa Judge para pagbigyan pa siya pero hindi talaga siya nagpakita,” kwento ni Mike.

Ipinasa niya doon ang kasunduan sa pagsanla ng kwarto, kasulatan sa pagdagdag ng halaga sa sinanlang kwarto at kasunduan, kasulatan sa pagsanla ng kwarto (pangalawang isinanla).

Lumabas ang Desisyon noong ika-tatlo ng Disyembre 2010. Pirmado ito ni Presiding Judge Alfredo D. Ampuan. Ayon dito kinakaila-ngang magbayad ni Nelson kay Mike ng halagang Php48,000 upang ibalik ang ibinayad sa sanla.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Mike.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, mahirap ang magpaupa ng kwarto sa iyong bahay lalo na’t ito’y hindi mo kilala. Ngunit mas mahirap ang basta basta na lang maglabas ng pera para kunin ang isinasanlang kwarto na hindi mo naman alam kung ano ang magiging dulo nito. Ang mabuti mong gawin Mike ay magpunta sa Clerk of Court at sabihin mong hindi niya tinutupad ang kautusan ng Judge. Ang Hukom ay maaari siyang ma-cite ng contempt of court dahil sa hindi niya pagsunod at labasan siya ng warrant of arrest. Maari ding ipag-utos ng Judge sa Sheriff na tingnan mula sa kanyang bahay kung anu-anong bagay ang maaa-ring kunin (attachment).

 (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

Sa gustong dumulog sa aming tanggapan, ang aming mga numero, 09213784392 (Pauline) 09198972854 (Monique) o 09213263166 (Chen). Ang landline 6387285 at ang 24/7 hotline 7104038 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Biyernes.

AKO

KWARTO

MIKE

NELSON

NIYA

QUEZON CITY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with