Total daytime truck ban, dapat lang
Dahil sa nararanasang matinding pagsisikip ng daloy ng ng trapiko sa Metro Manila, nakikitang isa sa solusyon dito MMDA ay ang pagpapatupad ng total daytime truck ban sa mga pangunahing lansangan dito.
Pero ngayon pa lamang ay tinututulan na ito ng maraming mga negosyante lalu na ang nasa trucking industry. Marami silang binabanggit na kadahilanan at isa nga rito ay ang panganib umano ng kanilang pagbibiyahe kung sa gabi lamang sila papayagan.
Malaki raw ang posibilidad na maging biktima sila nang pangha-haydyak.
May panukala kasi si MMDA Chairman Francis Tolentino na ipatupad sa Kalakhang Maynila ang total daytime truck ban para maibsan man lang ang matinding trapik.
Eh talaga namang ang isa sa dahilan ng matinding trapik sa MM ay ang mga dambuhalang truck at mga pasaway na driver rin ng mga pampasaherong bus.
Bukod sa malalaking espasyo sa kalsada ang nasasakop ng mga ito, sandamukal din ang mga pasaway na driver ng truck.
Dinadaan sa laki at katulad ng mga pasaway na driver ng bus mistulang mga hari ito sa lansangan.
Marami sa mga ito ang nagsisiga sa kalye lalu na kung may mga escort na tauhan ng pulisya na sumasabay sa kanila para walang sita.
Na kahit anumang oras nilang gustuhing bumiyahe ay pwede.
Kaya nga sa panukala ng MMDA na total daytime truck ban marami ang natuwa at nagsabing tama lang ito.
Panawagan nga ng mara-mi sana ay magkaroon ng ngi-pin ang ahensya na maipatupad ito at sigurado umanong maiibsan ang trapik sa Metro Manila at isabay pa ang pagwawalis sa mga kolorum na pampasaherong bus.
- Latest