^

Punto Mo

Lampong (330)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DUMALO sa mga seminar ng duck raising si Dick. Gusto niya, may sapat na kaalaman sa tamang pag-aalaga ng itik. Bagamat marami nang nalalaman si Jinky, gusto niyang may bagong kaalaman sa pag-aalaga ng itik. Alam niya, kung malawak ang nalalaman sa pinasok na negosyo, malaki ang possibility na umunlad pa ito nang higit sa inaasahan. Target ni Dick na maging number one supplier ng itlog sa buong probinsiya. Alam niya, malaki ang demand ng itlog.

Matapos ang mga dina­luhang seminar, agad niyang iniaplay ang mga natutuhan. Madali nang iaplay sapagkat existing na ang itikan.

At makalipas lamang ang isang buwan, nakita na agad ang pag-unlad.

“Ang dami nating produce ngayon ano, Mulong? Naging triple yata ang nakukuha nating itlog araw-araw,” sabi niya habang inaayos ang mga itlog sa tray. Si Mulong ang namamahala sa paglalagay ng mga itlog sa tray na ibibiyahe.  Hindi na nila kailangang ideliber ang itlog sa mga malalaking tindahan at supermarket sapagkat kusa nang dumarating ang mga mamimili.

“Palagay ko dahil sa ini­aplay mong teknik, Dick. Maayos ang tirahan ng mga itik at walang stress na nararanasan kaya itlog nang itlog. Mahusay ka talaga Dick.”

“Hindi lang naman ako ang dapat purihin, Mulong, siyempre kayo rin. Kung hindi tayo nagtutulung-tulong dito ay hindi siguro natin ito makakamtan.’’

Napatango si Mulong.

“Alam mo ang isa ko pang balak, Mulong?”

“Ano?”

“Pauusuhin ko ang litsong itik. Sa halip na Litsong Manok, litsong itik naman. Yung malinamnam na dumalagang itik ang ililitson. Sigurado ako, papatok yun.’’

“Magandang ideya ‘yan Dick.’’

“Pag-aaralan ko ito Mulong.”

“Baka ikaw na ang ma-ging ITIK KING, Dick.”

“Ha-ha-ha!”

(Itutuloy)

vuukle comment

ALAM

ANO

BAGAMAT

ITIK

ITLOG

LITSONG MANOK

MULONG

SI MULONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with