^

Punto Mo

‘Biometric, litrato vs. delinquent firearms’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAHIHIRAPAN nang magpuslit ng baril ang mga kriminal habang naglalakwatsa at pagala-gala sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sila ang mga kolokoy na malalakas lang ang loob at mga nagsisiga-sigaan kapag may nakasukbit na armas sa kanilang mga tagiliran.

Mataas ang kriminalidad sa bansa. Araw-araw, iba-ibang insidente ng patayan ang naitatala ng mga awtoridad. Kasabay ng Operation “Oplan Katok” kinumpirma ng Philippine National Police, na nananatiling mataas ang bilang ng loose at unregistered firearms sa bansa.

Ayon sa ahensya, ito ang ginagamit ng mga kriminal, sindikato, wanted sa batas at mga notoryus na grupo sa kanilang mga iligal na aktibidades. Kahapon, inanunsyo ng PNP na maghihigpit sila sa pag-iisyu ng Permit to Carry Firearms outside of Residence (PTCFOR).

Upang makasiguro sa identidad ng gun owners, kinakailangang magpasa ang aplikante ng biometric fingerprint specimen at litrato sa tanggapan ng Firearms and Explosive Office. Sa mandatong ito, inaasahang maraming sindikato ang susuway at hindi maglilitawan sa kanilang mga lungga.

Pero, hindi pa rin sila makakawala sa BITAG ng “Oplan Katok” ng pulisya dahil susuyurin ng mga awtoridad ang 17 rehiyon sa Pilipinas.

Huwag nga lang sanang gamitin at pagsamantalahan ng ilang lespu ang kampanya ng PNP para sa sarili nilang interes!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops-Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4. 

• • • • • •

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa[email protected]magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

 

BITAG LIVE

CARRY FIREARMS

COPS-RIDE ALONG

FIREARMS AND EXPLOSIVE OFFICE

KALAW HILLS

OPLAN KATOK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with